Chapter XLV (Memories)

Comincia dall'inizio
                                    

"Ba't ka nakipag-hiwalay?" curious na tanong ko

Napatingin silang lahat sa akin kaya I arc my brow "What?"

"Bakit gusto mong malaman?" nakangising tanong ni Taehyung

I shrugged "I'm just curious" bali-walang usal ko

Napatahimik silang lahat. Jeez! Nakakaubos ng pasensiya ah! Pinagkakaisahan ba nila 'ko?!

"Kung ayaw mong sa--"

"I love someone else, that's why"

Natutop ko ang bibig ko dahil sa narinig, bumilis na naman kasi ang tibok ng puso ko. What the fuck?!

Oh my God! Did I just curse?!

"You're a jerk kung gano'n" wala sa sariling nasabi ko na lang sabay iwas ng tingin

Narinig ko namang may suminghap tapos may napamura pa.

"I'm a Jerk"

Muli akong napatingin kay Taehyung ng mag-salita ulit siya, imbis na maasar dahil sa sinabi ko ay nakangiti pa siya ng malawak. Weirdo.

"Jerk"

Napahawak ako sa sintido ko ng bahagyang kumirot ang ulo ko.

"Such an idiotic childish way Jerk"

"S-shit" mahinang mura ko nang maramdamang lalong lumalala ang pagkirot.

"Jack, what's wrong?" rinig kong tanong ni Jin

Akmang sasagot pa sana ako pero naramdaman ko na lang na parang umiikot ang paligid, hanggang sa 'di ko namalayang nawalan na pala 'ko ng malay.

***

Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay puting ceiling na agad ang sumalubong sa akin.

Inalala ko 'yong mga nangyari kanina.

Nag-k-kwentuhan kami tapos biglang kumirot ang ulo ko at bigla akong nahimatay.

Sign na kaya ito na bumabalik na ang memories ko?

Bumangon ako ng higa at saktong bumukas naman ang pinto.

"How was your feeling?" agad na tanong ni Taehyung habang naglalakad siya papalapit sa'kin

"Okay lang naman. Nasa'n ba tayo?"

Imbis na sumagot ay itinuro niya lang ang balcony. Tumayo ako at tinungo 'yon.

"Wow, nasa dagat tayo!" excited kong sigaw habang naka-tanaw sa labas

Naramdaman ko ang presence niya sa likuran ko, akmang haharap na sana 'ko ng maramdaman ko ang mag-kabila niyang braso sa gilid ko

I stilled. Naaamoy ko na naman ang manly scent niya dahil sobrang lapit niya sa'kin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Jack Lorraine"

Muntik na akong mapatalon ng marinig ang boses niya, my God! I can feel his breath touching my skin.

"A-ano 'yon?"

"Pinag-alala mo 'ko"

He heaved a sighed. Dumoble naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Nag-alala siya sa'kin.

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko.

Oh my God!

Suicidal MissionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora