Chapter XXXIX (Years Later)

143 69 25
                                    

Nakangiti kong iminulat ang mga mata ko ng marinig ang ingay mula sa alarm clock ko.

Ang saya talaga! Nandito na ulit ako sa Pilipinas at hindi na ako makapag-antay na pumasyal!

"Good morning sunshine!"

Nagulat pa ako ng makita si Wonwoo na nasa tabi ko, itinulak ko siya kaya nahulog siya ng kama.

"Hoy! Bawal ang lalaki sa kwarto ko, remember?! Isusumbong kita kay Jun at nang mabugbog ka no'n!"

Aga-aga pinaiinit niya ang ulo ko, kaimbyerna!

"Sorry princess, gusto ko lang naman na ako ang una mong makita paggising mo" at talagang ginamitan pa ako ng puppy dog eyes!

"'wag kang mag-sumbong, baka magalusan ang gwapo kong mukha"

I rolled my eyes bago bumalikwas ng higa

"Oo na! Basta 'wag mo ng uulitin ah?" banta ko kaya agad agad naman siyang tumango ng sunod-sunod

Didiretso na sana ako ng banyo nang may maalala ako.

"Wonwoo!" tawag ko sa kanya nang akmang palabas na siya, nilingon niya ako

"May naaalala ka ba ngayong araw na 'to?" malawak ng ngiting sabi ko

Nangunot ang noo niya at napatingin sa kisame "Wala naman princess, ano bang meron?"

Napasimangot ako sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto

"Wala! Bwisit!" inis kong sabi

It's my freaking birthday kaya tapos sasabihin niya wala?!

Dumiretso na lang ako ng banyo at ginawa ang aking mga morning rituals, siguro naman naalala no'ng iba, panira lang si Wonwoo.

Paglabas ko ng kwarto ay nasalubong ko agad si S. Coups na kasalukuyang nag-v-vacuum.

"Good morning Coups! Ang saya ng araw ngayon 'no?! Ano kayang meron?" all smiles na namang sabi ko

"Good morning din princess! Masaya ba ang araw mo ngayon? Anong meron?"

What the?!

"Wala! Walang meron! 'diyan ka na nga!" inis kong sabi sabay nilampasan siya

Kainis! Pati ba naman siya nakalimutan? Eh parang siya pa nga yata ang nagsabi sa'kin kung kailan ang birthday ko last year no'ng wala akong kaalam-alam sa sarili ko!

Dumiretso ako ng living room nang makita ko na naman si Wonwoo

"Wonwoo! ipasyal mo ako!" sigaw ko agad

"Huh? Teka princess, nanonood pa ako, mamaya na lang"

"Sige manood ka! Isusumbong talaga kita kay Jun!"

Napatayo agad siya nang sabihin ko 'yon

"'to naman, ito na nga oh! Tara na!"

Napangisi ako bago sumunod sa kanya palabas

Siya sa driver seat at ako naman sa front. Nagdaldalan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa ihinto niya ang sasakyan.

"Bakit sa mall?! Ang akala ko ba ipapasyal mo ako?" maktol ko habang naglalakad kami papasok

"Eh kasi naman princess, wala akong pera ngayon, okay? 'tsaka kailangan natin ng eroplano para maipasyal kita, so, mag-shopping ka na lang muna, sagot ko"

"Dapat lang 'no! Paasa 'to"

Tinawanan niya lang ako bago kami mag-simulang maglibot sa mall.

Kasalukuyan kaming nasa isang boutique, ako patingin-tingin sa mga damit habang siya nakaupo lang sa isang gilid, binabantayan ang mga shopping bags ko

Suicidal MissionWhere stories live. Discover now