DTK #17

83 4 0
                                    

DTK #17

Ang bawat sambit mo ng pangalan ko ay unti-unting tinatangay ang buo kong pagkatao, ang tahimik kong mundo nilagyan mo ng iba't ibang musika, binahiran mo ng ingay, ang tunog ng bawat paggalaw mo ay sumasabay sa himig ng hangin sa mundo ko, ang mundo na naging akin at iyo, ang mundo na tayo ang naglikha.

Mga pangarap na binuo ko ay unti-unting sumasama sa mga pangarap mo, ang mga pangarap na hindi ako sigurado, mga pangarap na masyadong mataas, nakakatakot, nakalulula ay naging mababaw nang ikaw ang kasama ko, nakakagaan sa pakiramdam at sigurado akong matutupad natin ito.

Naniwala ako sa iyo, ang bawat salitang lumabas sa bibig mo ay pinaniwalaan ko, ang bawat galaw mo at galaw ko, mga salita kong patungkol sa iyo at higit sa lahat ang pagmamahal ko at pagmamahal mo.

Ngunit nandito ako ngayon sa isang tabi, paulit-ulit na naaalala ang mga likha mo sa buhay ko, ang ginawa mong makabuluhan sa bawat araw na pinagsaluhan natin, ang mga pangarap na binagsakan ko at ang mga salitang lumabas sa bibig mo na ngayon ay nananatili na lamang kwento.



Dahil Tanga KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon