DTK #8

152 7 0
                                    

DTK #8

Pilit akong nagpapatianod sa daloy ng maraming tao, ngunit nananatili lamang akong nakatayo habang diretsong nakatingin sa iyong mga matang hindi sumusulyap sa akin, ang bawat paghalakhak mo'y mistulang isang musikang ako lang ang nakakarinig. Pilit akong humahakbang palayo sa kinatatayuan ko, pilit kong nililingon ang ulo ko sa aking likod at magkabilang gilid ngunit hindi ko alam kung bakit ayaw nitong sundin ang gusto ko, para bang may sarili silang pag-iisip, sariling desisyon, isang desisyon na nagbibigay sakit sa puso ko. Sa bawat bunggo sa akin ng mga tao unti-unti akong nagkakaroon ng pasa sa katawan ngunit napagtanto kong iba pa rin ang sakit na dulot mo sa puso ko. Naghihintay akong lumingon ka sa akin, kahit saan ka magpunta ang mga mata ko'y nanatili pa ring nakatingin sa iyo, mananatili akong nakatayo sa gitna ng maraming tao, titiisin ang bawat bunggo sa aking katawan at hindi alintana kung hanggang kailan tatagal.

Maghihintay akong lumingon ka, baka sakaling tuluyan na akong humakbang palayo sa iyo, ngunit hindi ko lang alam kung kailan...

Basta, maghihintay ako.







Dahil Tanga KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon