DTK #3

359 13 3
                                    

DTK #3

Hindi ka umasa maingat at mahigpit mo lang pinanghawakan ang mga salitang binitawan niya sa iyo, pinaniwalaan mo ang emosyo na sinasabi ng kanyang mga mata at tono ng kanyang pananalita, ginawa mo lang musika ang kanyang halakhak sa iyong pandinig at pinuno ng kanyang sariling larawan ang iyong isipan. Hanggang umabot sa puntong nasasaktan ka na sa mga salitang binibitawan o binitawan niya, unti-unting nagkakaroon ng kirot ang pinanghawakan mong mga salita, nagiging iyak ang bawat halakhak, ang saya ay napalitan ng lungkot at ang bawat larawan ay naging alaala.


Dahil Tanga KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon