DTK #5
Huwag mo akong tanungin kung hanggang
ngayon ikaw pa rin ang mahal ko
dahil sasagutin kita ng hindihindi mo nagagawang yanigin
ang puso ko sa tuwing
nakakausap kitahindi mo nagagawang bagalan
ang mundo ko sa tuwing
naiisip kitahindi.
hindi kita mahal...
at huwag mo na akong tanungin
dahil baka lumuhod ako
sa iyong harapan nang umiiyak
na may ngiti habang
binibigkas ang mga katagang
hindi kita mahal...Huwag mo akong tanungin
dahil sa dami ng letrang
mayroon ang mundo
bubuo lamang ako ng mga
salitang hindi kita mahal
huwag mo akong tignan
sa aking mga mata
dahil nanghihina ako;
hindi kasi kita mahal...alam kong naniniwala ka
at doon ako masaya.hindi bale nang paniwalaan ka
sa mga salitang hindi totoo
kaysa malaman mo ang tunay na nararamdaman ko.Huwag mo na akong tanungin...
hindi kita mahal.