DTK #13

101 4 1
                                    

DTK #13

Ang sabi mo para akong isang paborito mong libro. Pinag-ipunan, hinanap kung saan-saan, nakipag-agawan sa karamihan, pilit inaangkin na sa iyo lamang at nagbigay ka ng matinding effort para makuha ako nang tuluyan. Sa bawat pahina ng pagkatao ko masuri mong binabasa, inaalam at ang bawat pahina ay nagbigay ng matinding emosyon at alaala; ngunit hindi na natin namamalayang mabilis ka pala magbasa.

Muli mo akong iiwan, ibinalik mo ako sa maraming librong nasa kwarto mo, sinuksok sa isang sulok at nginitian.

Muli kang maghahanap ng panibagong libro at gagawin mong paborito.




Dahil Tanga KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon