DTK #2

550 12 0
                                    

DTK #2

Humakbang ka papalapit sa akin kahit isang beses lang at sasalubungin kita sa kinatatayuan mo, sa gitna man, dulo o kahit sa hindi malamang pwesto sasalubungin kita kung nasaan ka man basta humakbang ka papalapit sa akin. Gamit ang pagmamahal ko sa iyo maglalakad ako papunta sa kinaroroonan mo makaramdam man ako ng sakit, tumulo man ang aking mga luha o pigilan man ako ng iba patuloy akong maglalakad papunta sa iyo gamit ang pagmamahal ko at hindi ng aking mga paa. Malayo ka man o malapit hindi ako mapapagod maglakad papunta sa kinatatayuan mo abutin man ako ng ulan, bagyo, tirik ng araw o kahit anong klima na mayroon ang mundo hindi iyon alintana sa akin dahil mas malakas pagmamahal ko kaysa sa mga klimang mayroon ang mundo.


Dahil Tanga KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon