"Ngayon naman pinapalayas mo pa ako. Hmmph!"

"Miru,"

"Kidding. Balik ako mamaya, ihahanda ko lang ang sarili ko." I said, smiling.

Katulad nga ng sinabi niya ay bumalik na muna ako sa sarili kong unit. Naligo at nag-ayos ng kaunti. Bago ako umalis ay tumingin na muna ako sa salamin.

Maganda ka Miru. Maganda ka.

Ngumiti ako at huminga nang malalim.

Hindi pa rin nawawala ang insecurities ko pero kahit papaano ay panatag na ako. I'm not perfect and I know people will still judge me. Hindi naman kasi mawawala ang mga 'yun.

Kalma Miru. Kalma. I've been boosting myself up for the past years. And I can do this now, too.

"You're pretty and you have a decent job." I told myself. "He will accept me as Gabe's woman."

Natigil lang ako sa pakikipag-usap ko sa sarili nang may kumatok. Alam kong si Gabe iyon kaya naman pinagbuksan ko na siya kaagad. At tama naman ako pero ang hindi ko lang nahulaan ay ang kasama niya. Ang daddy niya.

"Hi," Nakangiting bati sa akin ni Gabe.

Pinapasok ko silang dalawa kahit pa parang nababaliw na ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Dad, si Miru ang girlfriend ko. And Miru, siya ang daddy ko. Luke Rodriguez. Maiwan ko muna kayo." Humawak ako sa kamay ni Gabe pero umiling lang ito at ngumiti. "Everything will be fine." He mouthed before kissing my forehead. Pagkatapos ay tinanggal na niya ang kamay ko na nakahawak pa rin sa kanya.

"Upo po kayo." Halos yumuko ako ngayon dahil hindi ko alam kung paano ako makikisama sa dad niya. Kinakabahan talaga ako ngayon.

"I want to say sorry." Napaangat ako ng tingin sa sinabing iyon ni Mr. Rodriguez. "Alam kong late na pero gusto kong humingi pa rin ng tawad." Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niyang iyon. "matagal kong hinintay na makita ka ulit para masabi 'to. Miru hija, alam kong hindi mo ako mapapatawad kaagad."

"Nagawa niyo lang naman siguro yun dahil ang buong akala niyo ay anak ni Gabe ang dinadala ni Carissa noon." Napakagat ako ng labi ko saka yumuko. "Naiintindihan ko naman po kasi na close kayo sa pamilya ni Carissa."

"I'm sorry." Sabi nito ulit bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin. "Alagaan niyo ang isa't isa. Malaki ang ipinagbago niya simula noong nakilala ka niya." Lumayo na ito sa akin "Thank you Miru." Nginitan ako nito at pagkatapos ay bigla na lang siyang naglakad palayo.

"Mr. Rodriguez uuhh..." Humarap ito sa akin saka ngumiti.

"Pwede mo naman akong tawaging tito Luke. Sabihin mo na rin na nauna na akong umalis." Tumingin pa ito sa relos niya bago muling tumingin sa akin. "Baka naghihintay na ang asawa ko."

Pinanood ko siyang umalis hanggang sa makasakay na ito sa elevator. After that ay kumatok na ako sa pinto ni Gabe. Mabilis naman niya akong pinagbuksan.

Siya pa lang ang tao rito at mukhang tapos na rin siyang magluto.

"Wala pa si Carissa?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ay ngumisi ito.

"Nagseselos ka pa rin?" Niyakap niya muli ako. "Hindi siya pupunta. Ilang buwan na rin kasi siyang umuwi sa probinsya nila. Sinabi ko lang yun kanina para makita kung paano ka magrereact."

"Pero kung bumalik siya, gusto ko rin siyang makita." Gumanti na ako ng yakap kay Gabe. "Gusto ko siyang makausap. Gusto kong sabihin na okay lang. Na hindi ako galit sa nagawa niya." Paano'y naikwento sa akin ni Gabe na ilang beses daw humingi ng tawad si Carissa sa kanya nang malaman niyang iniwan ko si Gabe. Ang sabi pa sa akin ni Gabe ay sasabihin na niya sana ang totoo kung hindi lang daw kamuntikan malaglag ang bata.

"Pinapasabi rin pala ni Carissa noon na thank you kasi iniligtas mo ang buhay nilang mag-ina. She named her child after you."

Talaga? Lumayo ako kay Gabe para tignan ang mga mata niya,

"Yes. Pinangalanan niyang Angel ang anak niya." Iginaya niya ako sa table kung saan nakaprepare na ang mga pagkain.

Napangiti ako nang may cake at bulaklak na nakapatong rito. Kinuha niya ang bouquet at ibinigay ito sa akin.

"Belated happy birthday. Alam kong halos tatlong linggo na ang nakalipas." Nagkamot siya ng batok nito saka niya ako nginitian. "At dahil na rin hindi pa kita nabibigyan ng bulaklak." Paliwanag niya, "Wait here." Pumunta ito sa kwarto niya at sinundan ko naman siya.

"You really can't wait." Nakangiti pa nitong sabi saka binuksan ang drawer ng table niya. Nilabas niya ang isang maliit na box. "Binili ko 'to noong nalaman kong CPA ka na." He started walking towards me. "Inabangan ko talaga yung results"

Napangiti ako dahil sa sinabi niyang iyon. "Nasabi ko naman sa'yong pakakasalan kita kapag graduate ka na, diba?" tumango ako dahil hanggang ngayon ay naka-save pa rin ang text niyang iyon sa akin noon. Hindi ko 'yun binura kasi, ang mga messages niya ang binabasa ko tuwing namimiss ko siya. "This isn't a ring though. At hindi pa ako magpopropose." Natawa na lang ako ng sabihin niya 'yun pero kahit ganoon ay natutuwa pa rin ako. Hindi naman ako umaasang magp-propose siya ng ganito kabilis.

"Regalo ko to sa'yo dahil natupad na ang gusto mo." Inilabas niya ang kwintas na may pendant na anghel. "Congratulations." Isinuot niya sa akin ito.

"Tama lang na huwag ka munang magpropose sa akin. Ihaharap pa kasi kita sa mga kapatid at pinsan ko, mga tito at sa tita ko pati na rin sa parents ko"

"Mukhang mahihirapan akong ligawan silang lahat, ah." Tumango ako saka ko hinawakan ang kwintas na nakasuot na sa akin.

"Mahihirapan ka talaga. Kasi nagsamang mga Parco at Mariano 'yun. Mas malala pa 'yan sa Jace at Ravince. But still, thank you kasi ikaw yung lalaking minahal ko."

"Angel, ako dapat ang nagpapasalamat kasi ikaw ang minahal ko. And besides, engineer naman ako." Sabi nito. "At alam ko kung paano patatatagin ang pundasyon ng relasyon natin. Easy lang palambutin mga puso nila."

"Sus ang yabang, ah! Kapag hindi ka nila tinanggap wala na ako magagawa." Pang-asar ko sa kanya saka ako nagmadaling umalis sa tabi niya kasi napansin ko na binabalak niya akong kilitihin.

Alam ko naman na magkakaroon pa kami ng mga problema pero alam ko rin na masosolusyunan namin iyon ng magkasama.

Pero sa ngayon, gusto kong i-enjoy kung ano muna kami ni Gabe. Ayokong magdali. Ayaw kong magmadali kami sa relasyon namin dahil marami pa kaming hindi alam sa isa't isa. At deserve naming dalawa na maipakilala ang isa't isa sa mga pamilya namin na walang anumang problema.

At least, masasabi ko naman na nakikita ko ang sarili ko na ikinakasal sa kanya. At ang pinakaimportante sa akin ay may tiwala kami sa isa't isa.

*o*o* THE END *o*o*


******

A/N: SUPER THANK YOU SA LAHAT NG MGA SUMUBAYBAY SA STORY NA ITO! Yung mga new readers ko lalong lalo na sa mga reader ko noong una pa lang na hindi ako iniwan kahit pa ilang years akong parang tinatamad na magsulat talaga. Maraming salamat po! :*

Please, please kapag lumabas na po yung FAKE LOVERS na book ko sana suportahan niyo rin. Hindi ko alam kung kailan siya lalabas pa.

Sa new readers ko naman may mga published book na po ako. SADIST LOVER series and PICTURE OF YOU sana talaga ay suportahan niyo :)

AGAIN, THANK YOU SA MGA SUMUBAYBAY. 

THANK YOU AND I LOVE YOU GUYS. VOTE AND COMMENT. Follow me on twitter, hah? :)

@aril_daine


Hello, NeighborWhere stories live. Discover now