"Saan po mama?", Aaron


"Basta sa malayong lugar anak... sa malayong-malayong lugar."


"Hindi na ba siya babalik pa mama? Hindi na ba niya tayo babalikan?", Aaron


Ayokong paasahin pa ang anak ko na magkakaroon siya ng papa, na babalikan kami ng papa niya. "Hindi na anak e.", malungkot na sagot ko sa kanya na ikinalungkot din niya. Mabilis ko siyang binuhat at ini-upo sa kandungan ko. "Anak, wag ka ng malungkot. Kahit wala kang papa, andito pa rin naman si mama na mahal na mahal ka. At meron din si lola mo na mahal na mahal ka rin.", sabi ko habang yakap-yakap ko siya. Hindi siya sumagot pero maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang paghikbi niya hanggang sa umiyak na nga siya ng tuluyan. Parang literal namang sinaksak ang puso ko habang umiiyak ang anak ko sa bisig ko.


Di ko na rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang hirap at sakit para sa akin na nakikita ngayon ang anak kong umiiyak at nasasaktan. "Hush... tahan na anak. Tahan na..."


Hindi man sinasabi sa akin ni Aaron pero alam kong gustong-gusto rin niyang magkaroon ng ama kagaya ng ibang mga bata... kagaya ng mga kaibigan niya. Noon pa man, sa tuwing sinusundo ko si Aaron sa school niya, nakikita ko ang lungkot sa mukha niya sa tuwing nakikita niya ang mga kaibigan niyang parehong sinusundo ng mga papa at mama ng mga ito.


Lahat ginagawa ko mapunan ko lang ang hindi niya pagkakaroon ng isang ama. Pero sa tingin ko, kahit anong gawin ko, hindi pa rin magiging sapat yun kaya hinahanap pa rin niya ang papa niya. At kaya siguro hinahanap din niya ang ama niya ay dahil nga nakikita niya mga kaibigan niya na may mga ama pero siya, wala. Hindi niya siguro maintindihan kung bakit siya, hindi kumpleto ang pamilya niya at mama lang ang meron siya. Ito ang isang bagay na masakit sa isang single parent na kagaya ko. Yung ipaintindi sa bata mo pang anak ang dahilan kung bakit wala siyang kumpletong magulang habang yung mga kakilala niyang ibang mga bata ay meron naman.


Hinalikan ko sa tuktok ng ulo niya si Aaron na umiiyak pa rin sa bisig ko. Balang araw anak, pag nasa tamang edad ka na, ipapaliwanag ko ang lahat-lahat sa'yo. At pagdating ng araw na yun, sana maintindihan at mapatawad mo ako.


*****


Hanggang ngayon, di ko pa rin mapigilang isipin yung nangyari kagabi. At hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa pag-iyak ng anak ko kagabi. Di ko rin mapigilang isipin kung tama bang sinabi ko sa kanya na hindi na talaga siya babalikan ng ama niya... na hindi na kami babalikan ng ama niya.


Pero kasi... ayoko siyang umasa pa dahil alam kong napaka-imposible ring mangyari pa yun.


"BOSS!", ang malakas na boses na yun ni Chino ang parang nakapagpagising sa akin mula sa pagkakatulala ko.


"H–Huh?"


"Kanina mo pa ako tinititigan e. Alam kong pogi ako pero wag mo akong masyadong titigan, baka matunaw ako.", nakangising sabi niya.


Nakatitig ba ako sa kanya?, tanong ko sa sarili ko.


My Bossy LadyWhere stories live. Discover now