Kabanata 04

24K 408 1
                                    

Kabanata 04
Sixteen

Tumakbo si Billy palayo sa mga kalaban. Nalamangan sila ng kalaban at mukhang hindi siya makapag focus nang maayos.

Sinubukan niyang mag shoot pero hindi ito pumasok. Malapit na sila matambakan ng kalaban.

Narinig ko ang pag ngiwi ng mga kanina lamang ay nagchi-cheer sa kaniya. Iisang tunog lamang ang nililikha at isinisigaw nila: Pagkadismaya.

Naramdaman kong siniko ako ni Kuya Clyde. "Baka akala umalis ka na. Magparamdam ka." Nakangiti niyang sabi sa akin.

I smiled back at kuya. Inabot niya sa akin ang nakatuping tarp at kinuha ito mula sa kaniya. I tried to regain my energy for him. Inangat ko muli ang tarp ko.

"GO BILLY!" Napalingon siya nang marinig ang sigaw ko habang tumatakbo siya patungo sa kalaban.

He raised the corner of his mouth. I could see the hope rising from his face.

I smiled again at pilit na kinalimutan ang nangyari kanina sa parking lot. Kuya Clyde is with me and I know I am safe with his company.

"Gusto ka niya." Narinig ko ang panunukso sa boses ni Kuya Clyde.

Nang sabihin ko sa kaniya na hindi ako natakot sa kaniya, naging ganyan siya bigla. As if nothing happened back at the parking lot.

Parang hindi nga siya napagod, o nag inda man lang ng sakit ng katawan. Because of that, the memories faded away easily habang nasa bleachers ako, kasama siya.

"Talaga?" Sabi ko, pinigilan ang pamumula ng pisngi.

Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ako sigurado. Pero Serenity, lalaki rin ako. When I was younger like you, ganyang ganyan ako sa mga babaeng gusto ko. Gusto kong nandiyan sila pag naglalaro ako ng basketball. Tapos kapag wala sila, lagi akong natatalo."

Na-imagine ko kaagad ang guwapong si Kuya Clyde noong teenager pa lamang siya. Nakasuot ng jersey shirt habang nagdi-dribol ng bola. Ang mga mata ay hindi makapag focus dahil sa paghahanap sa babaeng hinahanap niya.

I smiled at the image and laughed. "Siguro, hinahabol ka ng mga babae noon kuya noh?"

Ngumisi siya. "Paano mo nasabi?"

Napawi ang ngiti ko. Nag iwas ng tingin at pinanood ang laro. "Kasi guwapo ka." Nagkatinginan kami. Medyo nahiya ako sa'king nasabi.

Ako ang unang nag bitaw ng tingin at natawa sa sariling sinabi. He laughed too at my reaction.

"Palakpak tainga ang isa diyan." Sabi ko at sinanggi ang braso ni Kuya Clyde.

"Syempre, compliment 'yon e." Aniya at uminom sa lata ng pepsi.

Nilingon ko siya. "Hindi ka ba sanay na masabihan ng ganyan?" Tanong ko.

Natabingi ang bibig niya. "Hindi naman sa. . . Nagmamayabang." Humagikgik siya. "Pero mukhang mas nakakatuwa 'yon marinig sa'yo." Utas niya at kinurot ang pisngi ko. Pinihit niya ang ulo ko sa direksyon ng court. "Manood ko na nga at icheer ang crush mo." Sabi niya at itinuon na rin ang pansin sa gitna.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagkain na ibinili ni Kuya Clyde para sa akin. I tried my best to get rid Lex off my mind. Nanginginig lang ako sa pandidiri kapag naiisip siya.

Nang matapos ang laro, isa isang umalis ang mga tao sa bleachers upang lapitan ang ibang mga kakilang manlalaro. I watched Billy as he was jogging up the bleachers. Nilalagpasan niya ang mga babaeng binabati siya para makalapit sa kinatatayuan ko.

"Billy!" Masaya kong sabi. "Congrats."

"Thanks for coming. You're my lucky charm Serenity." Kumindat siya uli sa akin. Narinig ko ang pag ngisi ni Kuya Clyde nang mahalata akong kinikilig.

Intertwined To You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon