Chapter Twelve- Pheromones

Magsimula sa umpisa
                                    

*splash*


Nahulog ako sa pool. Waaah. Di ko maigalaw yung paa ko kasi lalong sumakit.

Ang lalim naman dito.

"Sil..." nalulunod na yata ako. "Silver!!" natawag ko din si Silver sa wakas. Pero nasaan na siya??? Bakit wala na siya dun sa poste??

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Tapos lumangoy kami papuntang gutter. Waahhh. Silver. Akala ko mamamatay na ako.

Inangat niya ako sa pool ng parang baby. Ang gaan ko lang ba? Oh malakas siya?

Hiniga niya ako sa gilid ng pool. Nauubo-ubo pa ako.


Bakit lumalapit yung mukha niya sa akin.


Hanggang sa...

hinalikan niya ako.

*plak*

Sinampal ko si Silver! Ano ba naman kasi nanghahalik?!?! Alien ba siya???? Anong problema niya?

"Ang sakit naman pancake."

 Bakit sa boses niya parang hindi naman siya nasaktan.

"Bastos ka naman!!! Ano ba at nanghahalik ka!?!" Tinry ko umupo. Basang basa na yung damit ko.

"Mouth to mouth." Simpleng sabi nito.


Mouth to mouth??? Eh may malay naman ako at umuubo-ubo pa nga.

"Ibang klase ka! Bastos!" sigaw ko dito."

"Ikaw nga pinahawak  mo sa akin yang pancake mo eh." sinabi nito at tumabi sa akin.

Bastos talaga!!!

Basang-basa pa yung damit namin.. Ah... basang basa! Huhuhu.

Tinakpan ko yung harapan ko. Basang basa nga pala ako.

"Halika na nga!"

Tumayo si Silver at hinila ako. Walangyang to! Parang hindi niya lang ako hinalikan kanina.

Binuhat niya ako na parang baboy. Basang basa kami. Pumasok kami dun sa isang kwarto.

Kwarto??? Anong gagawin naming sa kwarto? Inupo niya lang ako sa isang silya.

"Oh magblow dry ka."

Wow may blower dito? Infairness.

"Nasan ba tayo?" sabi ko.

"Org house... swimming club"

Aw. Sorry daw. Di talaga siya makabuo ng isang sentence.

Buti naman may blower dito. Pero di yun yung problema ko. Yung tagos ko. Tapos napkin... huhuhuhhhu

"Maghubad ka na..."

O_O

What?!?!?!

"Tapos i-hang mo yang damit mo dyan. Malayo pa ang locker room." Ayyy shemay naghuhubad na rin siya!!!

Bakit ba lagi akong naiipit sa mga sitwasyong ganito pag kasama si Silver...

"Hwag kang haharap!!!" Sabi ko.

"Wala naman akong makikita, pancake na pancake yung iyo."

"Waaaaaaaaah!!! Kapal mo!"

Tapos din a siya sumagot. Buti na lang may towels naman pala dito sa org house.

Tumingin-tingin ako sa drawer....

Swerte!!!! May napkin... Hahahahaha. Sa wakas!!!!

Nagpunta muna ako sa CR. Tapos lumabas ako nung ayos na. Hindi na ako mag-aarte. Kahit nakatwalya lang. Si Silver din naman eh.

*Woot*

O_O Ang hot...

Wahhh.. Di na ako titingin. Minsan lang ako makakita ng nakatwalyang lalaki. Yung mga kuya ko nga hindi naghuhubad ng t-shirt sa bahay eh. Haha naninibago lang ako.

"Iblow dry mo na yang damit mo." sabi niya.

Ang awkward naming. Parehas nakatwalya. Pshh. Sige na hindi na ako mahihiya.

*toktoktok*

Shemay!!! May kumakatok!!!

"Sinong tao dyan?? Bawal gumamit ng org house sa oras ng klase.."

Yun yatang taga-linis ng pool. Sumenyas sa akin si Silver nah wag daw maingay.

"Ano yan??" may nagtanong. Waaah Si Terrence yun.

"Ah hi kayo po pala sir, para po kasing may tao. May nagbukas ng ilaw eh."

"Ahhh. Sige."

Tapos binubuksan na yung pinto... OHMAYGAHD!!!

*boom* bumukas ang pinto.

"ZYLIE!!!!!" sigaw ni Terrence. Wala na kasing panahong magtago. Bakit may susi siya ng orghouse ng swimming club? At si Silver? Sitting pretty na nakatwalya lang???

Ano ng gagawin ko?! Nakatwalya lang kami!!! Nakakahiya!!!

*later*

*later*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon