Hmm trial and error.

Wait, interesting character yon ah? Pwede akong makagawa ng storyline doon. Baka maka-come up ako ng isang magandang movie script! Shit teka kailangan ko ng pen at notebook!

"Nica."

Napalingon ako kay Jasper at naala kong nagiintay pala siya ng sagot sa tanong niya.

Sorry naman. Madalas talagang gumala ang imagination ko. Alam kong may pagka weirdo ako. Marami na rin ang nag point out sa akin ng bagay na 'yon.

"Ah... wala..wala," umiling ako. "Wala lang yun. Hindi big deal."

"Nica," this time may pagbabanta na sa boses ni Jasper.

Bumuntong hininga ako.

"Okay. Medyo nagkaroon lang kami ng misunderstanding. Pero ayos na yun. Pinapasabi niya na sorry 'di ba? Okay na. Wala na yun."

"Hindi mo talaga idedetalye sa akin ang nangyari?"

"Wag kang mag-alala, hindi ko sinaktan ang girl friend mo---"

"---ex girl friend," paglilinaw niya.

"Okay, ex girl friend. Medyo may nasabi lang din ako na hindi maganda. Pero girl talk yun. Labas ka na doon."

Tumango siya.

"Concern ka pa rin sa kanya," sabi ko.

"No. Iniisip ko baka nakapag-bitiw siya sa'yo ng masasakit na salita. I know Aiscelle. Medyo may pagka impulsive siya."

"Wala. Hindi naman big deal yung sinabi niya," pagsisinungaling ko.

Ayoko nang ipaalam sa kanya na sinubukan akong bayaran ni Aiscelle. Hindi naman na makakatulong sa issue nila 'yon. Mamaya eh malagay pa ako sa gitna ng kadramahan ng dalawang mag ex-jowa na 'yan. Dagdag stress lang.

Hindi na sumagot si Jasper kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya at nakatuon ang atensyon sa mga kamay niya. Parang ang lalim ng iniisip. Yung expression niya parang gulong-gulo siya ngayon.

Napabuntong hinga ulit ako.

"Bigyan mo na kasi ng chance. Mahal mo pa eh," sabi ko.

Napa-angat ang tingin niya sa akin at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti.

"Sana ganun kadali yun Nica."

"Take a risk."

"Ikaw ba? Kapag nakita mo yung ex mong nakabuntis ng iba at sinabihan kang after all this year mahal ka pa rin niya. Na nakuha na niya ang lahat at ikaw na lang ang kulang sa buhay niya at gagawin niya ang lahat mahalin mo lang ulit siya, ano ang isasagot mo sa kanya?"

"Sasabihan ko siya ng pakyu sabay sipa sa bayag."

Napatawa ulit si Jasper.

"Exactly! Ngayon naiintindihan mo kung bakit hirap na hirap ako."

"Naiintindihan naman kita. Pero Jasper magkakaiba tayo ng storya. Yung buhay ng tao, parang libro rin yan. No two books has the same exact story not unless plagiarized. Sa side ko, hindi ko na mahal ang ex ko na yun. Naka moved on na ako sa kanya. Believe it or not, napatawad ko na siya. Pero ikaw? It's obvious Jasper na affected ka pa rin hanggang ngayon. It's either dahil masyadong masakit at hindi mo siya mapatawad o affected ka dahil mahal mo pa. Pwede ring both. Affected ka dahil masyadong masakit at mahal mo pa."

Sana (EndMira: Jasper)Where stories live. Discover now