Chapter 69; Cuffs

Start from the beginning
                                    

Si Travis ang unang naupo. Halata talagang hindi na siya makapagintay na matikman ang mga inihanda ni Andrea.

"Thanks, Travy, Unnie help me to cook everything." Patukoy niya kay Celine.

"Sit here, Ree." Alok ni Travis sa katabing upuan.

Agad namang nagblush si Andrea kaya itinulak ko na siya sa tabi ni Travis. "Come on, Andrea, there's nothing wrong with that." I said.

"Tss." Pero mukhang hindi pa rin nakakamove-on si hambog.

Umupo na ako at inalok siya sa tabi ko na doon maupo. Baka paginitan niya pa si Travis pag nagkataon.

Everyone is settled except for Ashley and Hiro.

Siguro inaantay na lang niya si Ashley sa labas ng pinto ng kwarto.

"Here" Alok ni Hambog sa fried rice-I mean he, himself served it on my plate.

Pipigilan ko dapat siya dito pero huli na ako dahil nailagay niya na ito sa plato ko kaya napasimangot na lang ako.

"Why? You don't like fried rice? Sana sinabi mo agad, Sweetie para--" hello? Paano ko magagawa kung mabilis pa siya sa ninja.

Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Hindi ka kasi nagtatanong. I like fried rice but I don't like these green things in it." Paliwanag ko.

"What green? You mean this pea? Green peas tawag dyan." Ginawa pa akong tanga nitong boyfriend ko.

Syempre alam ko yung tawag dun, I just hate to say its name dahil nasusuka talaga ako sa lasa niya na kahit sa pagsasabi ng pangalan nito ay may epekto sa'kin.

"Kahit ano pang tawag dyan, basta ayaw ko niyan." Inis kong sabi.

"Tss. Wow, Sweetie, ang laki ng problema mo! Akin na nga tatanggalin ko." Inilapit niya yung plato ko sa gilid niya at inilipat sa plato niya yung mga bagay na berde.

"Ayaw mo rin pala ng green peas, Louie." Nakangiti niyang wika ni Travis.

"Yeah, O-Obviously.." gusto kong magtaray sa klase ng tanong niya. Aish! Kundangan lang talaga na iba siya.

"Arg! Get away from me! You're so nakakainis!" Ashley is rushing towards us angrily.

"Haha.. aga aga naman Ashley galit ka nanaman sa'kin." Hiro.

Guys, note this: mukhang magkatabi sila sa table. No, let me rephrase it. Talagang magkatabi sila dahil dalawang magkatabing silya na lang ang natitira.

"Can you please don't talk na lang? Wala ka rin namang sasabihing maganda kaya hayaan mo na lang magmaganda ang face ko. And please make tago na lang your so panget na face. Alien!" Ashley said harshly to Hiro.

"Oo, alam kong maganda ka Ash--"

"Exactly" ngiting ngiti niya putol kay Hiro.

"Haha.. pero nga hindi naman totoo na panget ako--" Pinutol nanaman niya ito.

"Definitely, you got it all wrong. Panget ka period." Sabi niya.

"Pwede ba. Maupo na kayo, and just to inform you Ashley, storya ko to kaya wag masyadong feeling. Hindi nakakaganda." Sabi ko at talagang literal niya akong inikutan ng eyeballs with matching taas kilay.

Umupo sa tabi ko si Ashley at ng magproprotesta siya ng tatabi sakanya si Hiro ay agad akong pumagitna.

"Wag ka ng maarte, Ashley. Maganda ka parin kahit magkatabi kayong kumain." Sinamaan niya lang ako ng tingin.

Haha. 2-1 in favor of Louie.

"Thanks." After matapos ni hambog na ilipat lahat ng green thing sa plato niya, nagpasalamat ako.

WHEN A MAFIA BOSS MEETS STUPID GIRLWhere stories live. Discover now