Chapter Eleven- Push and Pull

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha?" tanong ko.

Anong kami parin?

"Eh kasi, wala naman kayong formal break up? So kayo padin! I'm so brriilliaant!!"

Kinaltukan na naman ito ni Mikaela.

"Sumosobra ka na ah!" reklamo nito.

"Baliw ka kasi kung anu-ano sinasabi mo! Alam mong masama na nga ang loob nung tao!"

"Eh totoo naman eh! Walang official break up"

"Kahit na! Ano yun? Pag gusto niyang umalis aalis siya, pag gusto niyang bumalik, kahit walang pasabi tatanggapin pa rin siya? Ano siya chicks? Swerte niya! Psh!"

"Tama na nga!" awat ko sa dalawa.

Nag-aaway pa sina Yanny at Mika. Yumuko na lang ako sa desk. Ang laki kasi ng problema ko. Paano ko na ngayon haharapin ang first subject ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos?

Ano yun? Hindi na naman ako makapagconcentrate sa ibang subject? Katulad ngayon? Wala na talagang pumasok sa utak ko buong araw. As in wala. Kamote ako sa lahat ng quiz ng morning classes, wala akong nasagot sa lahat ng recitation kahit pa yung pinagaralan ko kagabi. As in wala. Grabe yung epekto sa akin.

Nung last subject na bago mag-reces, bigla akong kinabahan dahil baka makita ko siya sa canteen. Binalak ko tuloy na hwag ng lumabas para iwas-iwas. Sana makaiwas kahit ngayon lang. Alam ko namang hindi ako makakaiwas forever.

Kaya lang gutom na ako!

"Zylie, solve this problem."

Ha??? Bigla na lang akong tinawag ng teacher! Hala di pa naman ako nakikinig.

"Ahh, yes ma'am"

Tumayo ako para isolve yung di ko maintindihang math problem na nasa board. Bahala na.

Pero narinig ko nagtawanan yung mga kaklase ko.

Hala bakit? Nakakatawa ba ako? Kinapa ko yung likod ko baka may naglagay na papel.

Wala naman. Minsan kasi ugali ng mga kaklase ko nilalagyan nila ng papel sa likod yung mga ibang classmate. May mga nakalagay na "Libre batok." o kaya naman isang malaki at may heart-heart pa na "Mahal ko si Buboy". Si Buboy nga pala yung taga-linis ng CR ng girls na weirdo.

Kapag ag lalaki naman may nakalagay "Di pa ako tuli." Basta mga ganung uri. Di na nag-mature ang mga kaklase ko. 3rd year high school na ugali pa ring mang-trip.

Tumingin ako kina Mikaela kasi sila lang ang magse-save sa akin sa kung ano mang kahihiyan at panti-trip. May sinasabi ito, pati si Alyanna.

"Ha??"

Di ko maintindihan. Bakit hindi kasi lakasan? Anu ba yan.

Tumingin ako kay ma'am. Nakatingin siya sa pwetan ko.

Oh my parang alam ko na.

"A-ano?" tumingin pa rin ako sa mga kaibigan ko kahit alam ko na. Di ko kasi alam gagawin ko. Nasa harap ako ng klase.

"Ang laki-laki ng tagos mo!" sigaw ni Alyanna.

Nagtawanan lalo ang mga kaklase. Ano ba namang malas yan! Bakit hindi ako layuan.

"Ma'am..." nahihiyang sabi ko.

"Sige na nga. Ayusin mo muna yan. Next time ka na sumagot."

May tinawag si ma'am na ibang estudyante para sumagot ng problem. Hindi ko alam kung blessing in disguise ba ito kesa ma-zero na naman ako sa recitation, o kamalasan. Bakit ba kasi hindi ko alam na magkakaroon ako ngayon?

Madali akong pumunta muna sa upuan. Kinuha ko yung jacket... jacket ni Silver at ibinalot ko sa bewang.  Sorry sorry Silver pero nakakahiya kasi. Lalabhan ko na lang ulit bago ko ibigay sa kanya.

"Grabe Zylie para kang nakunan sa dami!" Sabi ni Alyanna na may nandidiring mukha.

"Ikaw talaga yung bunganga mo ha!" sagot naman ni Mikaela.

Paglabas ko. Wala namang lamang tao yung corridor. Naramdaman kong sumakit na yung puson ko. Talaga naman. Bakti di ko to naramdaman kanina? Bakit ngayon lang kung kelan lumabas na? Tumagos na. Sadya bang sobrang distracted lang ako kanina kaya di ko namalayan? Grabeng yan.

Papasok na sana ako ng CR ng may humawak sa balikat ko.

"Zylie.."

Oh My God. Bakit ngayon pa?!

Si Terrence. 

"Usap tayo... Sige na Zylie..." pakiusap nito. Unti-unting lumalambot yung puso ko. Weird. Nagagalit ako kanina tapos ngayon nadadala ako na gusto ko na ring makipagusap. Na baka may pag-asa pa. Na baka maging masaya naman ako kung mag-uusap kami...

Gagawin ko na sana... Kaya lang may tagos nga ako eh. Ano ba naman tong Terrence na to?

Tumingin ako sa paligid. Buti na lang walang estudyante. Pero kinakabahan ako kasi malapit na magrecess baka may makakita. Baka kung ano pang sabihin nila.

"Bitiwan niyo po ako sir." Sabi ko. Medyo na-awkward ako sa sinabi ko. Para naman akong minomolestya. Pero gusto ko lang kasing i-empahsize yung "sir" kaya ko sinabi yun.

"Please hersheys."

Hersheys??? Kadiri. Medyo kadiri na siyang pakinggan ngayon pero... yun kasi yung tawag niya sa'kin dati. Hersheys.

"Sir..."

"Sige na. Kahit sa may bakanteng room lang."

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin. Hinila ako papalayo kay Terrence. Nagulat ako ng bigla pa akong niyakap.

"Nandito ka lang pala." Sabi ng yumakap sa akin na mabangong lalaki. Di ko siya makita dahil nakasiksik na yung ulo ko sa dibdib niya. Ang bango...

Pero... parang kilala ko ang boses na 'to ah.

 *later*

 *later*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon