Wakas

4.8K 70 8
                                    

Nakatayo ako sa harapan ng isang nitso. Napabuntong-hininga ako, kay saklap ng buhay sa akin. Tumingin ako sa pangalang nakaukit sa lapida.

CARMELA SANCHEZ

Sinalo ng kapatid ko ang bala na para sana sa akin. Napakabuti ng kapatid ko, agad na namang nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Hindi ko manlang nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Pero siya, pinatunayan niya kung gaano niya ako kamahal. Hanggang ngayon hindi pa rin mag sink-in sa akin ang mga pangyayari, parang ang sakit lang kasing isipin. Napakasakit. 

Bakit ganun no? Minsan may gusto tayon patunayan sa sarili natin pero pag dumating ang puntong nagkakamali tayo sa huli sinisisi natin ang mga taong nasa paligid natin. Sinisisi natin ang Diyos na hindi siya ang unfair. Na bakit ganito ang buhay punong-puno ng pasakit? Pero sa huli marerealize rin natin na bawat bagay na nangyayari ay may rason hindi man natin maiintindihan sa ngayon, balang-araw malalaman din natin ang kasagutan sa katanungan natin. 

Dahil sa pangyayari, hindi na rin ako kinausap ni Daddy. Alam kong ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Carmela. At alam kong hanggang ngayon hindi niya pa rin natatanggap na anak ako ni Mommy sa ibang lalaki. Pero para sa akin pamilya ko pa rin si Daddy, siya ang nagpalaki sa akin. Balang-araw hihilom din ang sugat ng kahapon at sana maging okay na kami ni Daddy.

Nakakulong na si Diaz, Eduard at  Eliza at alam kong pagbabayaran nila ang ginawa nilang kasamaan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maubos-maisip kung bakit may mga ganitong tao sa mundo 'yung mananamantala ng tao dahil sa kaganidan sa pera at kapangyarihan. Gagawin ang lahat kahit masama para sa ikabubuti ng sariling interes. Pero alam ko rin na lalabas si Eliza dahil siya nalang ang natitirang pamilya ni Daddy.

Pinakuha ko na ang chips sa balikat ko at binigay kay Daddy, sa gayun mas malaki ang ebidensya para sa mga kasalanan ni Diaz at Eduard. Bakit hindi ko nalaman na sa balikat ko pala tinanim ni Diaz iyon? Siguro nung nag papalastik surgery ako niya nilagay iyon. Wala talaga siyang kasing-sama.

Kinuha na ako ng Daddy ni Jeremy, habang alam kong nagkapatawaran na rin ang dalawang kambal. Totoo ngang blood is thicker than water. Pero alam kong hindi totally, may mga isyu pa rin sa isa't-isa si Jeremy at Cio. Darating din ang panahon na magiging okay na ang lahat between them. Nagkapatawaran na rin ang mga magulang nila. Hindi na tumakbo si Daddy (ama ni Jeremy na totoo kong Daddy) at binigay na niya ang posisyon sa ama ni Cio. Anyway, magkaibigan rin naman sila noon ngunit sa mga pangyayari nagkasiraan sila.

Natanggap ko rin na ang buhay ko ay kaabit ng maraming gulo. Saan man ako tutungo, saan man ang aking direksiyon. Ang tanging magagawa ko nalang ay maging matatag at 'wag madaling susuko. Marami akong natutunan sa journey ng life ko na ito, na hindi lahat ng bagay kailangang takbuhan dapat harapin ito. Lahat naman tayo ay may problema ang pagkakaiba lang kung paano mo harapin ng may pag-iisip o pagiging mature.

Sa pagtatapos ng taong ito, at panibagong buhay ulit ang haharapin ko at ngayon ay sa Japan na. Doon ako magsisimula ulit. Doon magiging kumpleto na ang pagkatao ko, bilang si Yuri. At hindi ko na papangaraping ibahin ang pagkatao ko. Dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa akin.

“Yuri…” tawag sa akin. Tiningnan ko ang nagsalita at nakita ko ang nakangiting mukha ni Jeremy. Lumapit siya sa akin. Tiningnan niya ako ng may pagmamahal. Ayun na naman ang pakiramdam sa loob ng tiyan ko, hindi pa rin mawala-wala. "You're blushing" mahinang sabi niya. Ayun na naman ang kilig ko, hanggang ngayon siya lang ang nakapagganun sa akin. Yumuko ako, pero tinaas niya ulit ang mukha ko paharap sa kanya. "Ngayon, magkasama na nating haharapin ang buhay. Hindi na kita iiwan".

May mga posibildad na baka madapa na naman ako sa hinaharap pero alam ko kakayanin namin ni Jeremy. Wala namang pagsubok na hindi napagdaanan at nasosolusyunan eh, ang mahalaga hinaharap mo ito ng may paninindigan. Alam rin na ang bawat daang haharapin namin ni Jeremy ay hindi magiging madali pero dahil nga kapwa namin hawak ang kamay namin magiging madali lang iyon. 

Ngumiti rin ako kasabay ng pag-abot ng kamay niya. Hay, ngayong natapos na ang lahat ay masaya na ako kahit sa ibang banda ay malungkot ako sa pagkawala ng kapatid ko.

Naglakad na kami palayo ni Jeremy, baon ang pagmamahalan namin sa isa’t-isa.

Doon ako magsisimula sa Japan kasama si Jeremy.

At doon, pareho na kaming ‘warriors’.

Kaway!!!

Author’s note:

Maraming salamat sa mga sumubaybay sa kwento kong ito. Alam kong medyo napahaba dahil hindi ko rin alam. hehe. Sa mga hindi bumitaw hanggang sa huli salamat po ng marami. Masaya na akong natapos ko ito kasabay ng pagtatapos din ng taon. Nawa’y napangiti kayo, napaiyak at napa-aksiyon sa kwento ni Yuri/Isabelle at Jeremy. Hay, salamat Panginoon. Maging maganda sana ang inyong bagong taon.

Nagpapasalamat,

Whiteangel

Angel-in-disguise now signing off…

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon