P-20 (Unknown)

6.6K 75 1
                                    

Biglang may humablot sa braso ko. Aisssh! Umiinit na nga ang ulo ko packing tape naman oo!

Pumihit ako para makita ang taong iyon, baka mabigyan ko ng sapak gaya ng ginawa ko kay Jeremy. Makahatak ng braso, wagas?

Pero nagulat na lang ako at nanlamig bigla ng mapagsino ko ang nakahawak sa braso ko.

Si Jeremy! Walang kangiti-ngiti at nakita ko pa ang kunting dugo sa mga labi niya.

Patay ako!

Kinabahan ako bigla, ba’t ko kasi sinapak ang mokong na ‘to.

Ah! Bagay nga sa kanya walang modo eh.

Pero kinabahan pa rin ako kasi nakatayo lang siya at walang katinag-tinag. At huli na ako nakapag-react ng biglang dumilim ang paningin ko.

Ahhh! Wala akong nakita.

Parang may kung ano sa mukha ko, pinunasan ko naman ito gamit ang kamay ko.

Bwisit na Jeremy na ‘yun, ano kaya ang pinahid niya sa mukha ko.

Tumingin ako sa paligid ngunit wala ng tao, naiwan akong mag-isa.

Tiningnan ko ang kamay ko at may nakadikit doong malapot na bagay na kulay green.

Napahindik ako, ano ito? Inamoy ko pero hindi naman mabaho para siyang TAE! 

Pero hindi naman amoy tae?

Tiningnan ko ng maigi at narealized kong avocado pala iyon.

Aishhhh! Humanda ka sakin Jeremy, babalikan kita!

Pinahiran ko ang natirang mantsa sa mukha ko at patakbong tinungo ang toilet.

“O anong nangyari sa’yo?” bungad sa akin ni Chandi ng makarating ako sa classroom namin. Nakita kasi nitong medyo basa ang harapang bahagi ng t-shirt ko, namantsahan din kasi. Ngitingit pa rin ako.

Tumingin ako sa likurang bahagi ng classroom at nakita ko si Jeremy.

As usual naka headset ito at may isinusulat sa upuan nito habang... nakangiti?

Teka, pinagtatawanan ba ako nito? Uminit na naman ang ulo ko, bigla itong nag-angat ng tingin at kita nitong nakatingin ako sa kanya.

Nakangiti pa rin ito, pero infairness cute pala siya pag nakangiti. Aissshhh! Erase! Galit ako sa kanya…

Sinimangutan ko ito at naupo na sa upuan ko, humanda ka mamaya sa bahay!

Nang matapos ang klase namin ay hindi ko na nakita si Jeremy, umuwi na lang ako ng bahay doon ko nalang siya hihintayin.

Hohoho! Humanda ka mamaya Jeremy!

Nang makauwi ako ay nagluto pa ako, magdadrama ako sa kanya na peace na kami pero may naisip akong gagawin dito para makabawi sa ginawa niya sa akin. Akala mo ha, Jeremy si Yuri ata 'to! Napangiti pa ako sa pag-iisp.

Naghintay ako hanggang alas d'yes pero wala pa siya.

Nasaan kaya ang kumag na ‘yun?

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Jeremy.

Tuloy-tuloy lang ito hanggang sa sala at ini-on ang t.v. Bah! parang walang tao lang sa bahay ah.

Sumunod ako sa kanya, napakunot ang noo ko ng makita kong may sugat ito sa mukha napaupo ako sa tabi niya.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong ko.

'Nag-alala ka Yuri?' Tanong ng utak ko. 'Hindi no, nagtatanong lang naman!’ sagot naman ng kabila. Hala nagrambulan na yata ang utak ko.

Pero hindi man lang kumibo si Jeremy, nakatutok lang ang mga mata niya sa screen.

Tumayo ako at tuloy-tuloy sa kwarto ko girlscout yata ako dahil kahit saan ako magpunta may dala akong first-aid kit.

Dali-dali kong kinuha iyon at bumalik sa sala.

Binuksan ko ang box at inilabas ang betadine at cotton.

Nilagyan ko ang sugat niya na sa mukha at nabigla siya sa ginawa ko.

“What the……!” mura niya ng dumantay ang cotton sa sugatan niyang mukha. Napaurong ang mukha niya sa kamay ko.

“Wag kang magulo” sabi ko dito habang inaabot ang mukha nito. Napangiwi ito sa sakit.

“Sino ba kasing may gawa sa’yo nito?” oo sige na inaamin ko na nag-aalala ako sa mokong na ‘to. “Sabihin mo sa ‘kin at reresbakan natin!” patuloy pa rin ang paglalagay ko ng gamot.

Hindi ko namalayan magkalapit na pala ang mukha namin.

Napakurap ako ng tumingin sa mga mata niya nakatingin din kasi siya sa akin.

Napatulala yata ako pero mga 1 minute lang, inayos ko na ang gamit at tumayo.

“Kumain ka na ba? May niluto ako doon” na-conscious yata ako kaya hindi ako makatingin.

Naramdaman ko na lang na tumayo ito at dire-diretso sa mesa at tiningnan ang nakahain.

Kumuha ng pinggan, naupo, kumain at iniwan ang kinainan sa mesa sabay pasok sa loob ng kwarto.

Okay na sana eh! Nangitingit na naman ako sa inis.

Ang hinayupak pinagluto na nga ako pa ang mag-aayos ng pinagkainan niya. Wala talagang modo ang lalaking iyon.

Aishhhh! Sakit ka talaga sa bangs Jeremy!’ himutok ko.

Padabog kong inayos ang pinagkainan niya at inis na pumasok na sa loob ng kwarto ko.

Nang mga sumunod na araw parang okay na kami ni Jeremy, nagbabatian bago pumasok sa school pero hindi pa rin ako pinapasakay sa magarang kotse nito.

Yun yun eh pangarap ko lang naman makasakay kahit isang beses sa kahit isa lang sa mga kotse nito.

Kakainis!

Naglalakad ako sa loob ng campus nag-iisip na naman ako tungkol kay Jeremy. Ba't kaya mailap siya sa mga tao? At yung mga lalaking tumulong sa kanya noong mapaaway siya sino ang ma 'yun? Bakit kahit galit sila kay Jeremy tinitulungan pa rin nila ito? Hay naku, maraming katanungan na naman sa isip ko at kailangang malaman ko 'yun. Marami pa siguro akong impormasyon tungkol kay Jeremy ang kailangang malaman.

Magkasama nga kami sa bahay pero hindi naman niya ako iniimik. Parang wala lang siyang kasama, mabuti nalang kahit ganun ang trato niya sa akin pinagtitiwalaan naman niya ako condo niya.

Dahil punong-puno ang utak ko ng tungkol kay Jeremy ay hindi ko na namamalayan ang nagyayari sa paligid ko at bigla nalang may yumakap sa akin..

“Mica….” Narinig kong paanas nito.

Na naman? Napagkamalan na naman ako? Sino ba kasi yang Mica na ‘yan? Parang na-freeze ako at hindi makagalaw, nangingibabaw ang gulat ng mga oras na iyon. Napakunot ang noo ko na hindi ko mawari. 

“What the hell, Let her go!” may narinig akong nagsalita sa likuran ko. At siyempre kilala ko ang boses na iyon. Si Jeremy! May diin ang pagkakasabi niya, parang galit ang boses.

Nakatulala lang ako habang yakap pa rin ako ng estranghero.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon