P-9 (Unang Pagtapak)

8.6K 90 0
                                    

Nandito na kami. Kinabahan ako bigla. Kumabog ang dibdib ko pagtapak pa lang ng paa ko sa airport na iyon.

"Welcome to Haneda Airport"

Yun ang narinig ko. Nasa Tokyo, Japan pala kami. So dito ako dinala ng misyon na ito? Dito na ang kapalaran ko, dito na ako magsisimula ng bagong yugto ng buhay ko. Dito ako dinala ng kapalarang pilit ko mang ayaw tanggapin pero nagsusumigaw pa rin. Wala na akong takas kasi nandito na ako eh.

Ilang beses na akong nagpunta sa iba't-ibang bansa pero dito sa Japan hindi pa. Ewan ko ba, pero hindi kami pinapayagan ni Daddy magbakasyon dito. Hindi na ako nagtanong at baka talagang ayaw niya lang dito sa bansang ito.

Parang kung may ano siyang iniiwasan dito at ayaw niyang makapunta kami. Kaya nirespeto namin ng kapatid ko ang desisyon niya. Hinayaan nalang siya namin at baka may kung anong dahilan siya. Hindi ko rin siya masisisi kasi maraming masamang tao dito sa Japan, pero napanood ko lang 'yun sa tv, ewan ko kung totoo 'yun.

Malamig na ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Kahit makapal ang jacket ko hindi pa rin ito mabawasan ang malamig na pakiramdam ko. Winter pala ngayon dito. Pero hindi ko magawang mag-appreciate ang mga nakikita ko, nagiging masaya kasi ako pag nakakapunta ako sa ibang bansa. Gustong-gusto ko pa naman ang winter. Gaya noong ginagawa namin ng kapatid ko. Nakailang tapak na rin kami sa Europe. Nalibot ang mundo.

Bitbit ko lang sa kanang kamay ko ang isang bag. Hindi ko iyon binibitiwan mula pa kanina. Naglalaman lamang iyon ng kunting gamit na binigay ni Mr Diaz. Wala naman kasi akong gamit maliban sa suot ko ng gabing iyon at.. at...

Ang wallet ko..

Teka..

Kinapkap ko ang bulsa ko.

Oo nga, ang wallet ko.

Asan na pala yun, parang hindi ko yun nakita kanina ah. Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi maaaring mawala iyon, iyon nalang ang natitirang gamit ko.

Nawawala yata ang wallet ko. My precious wallet. Oh, no!

Kinalkal ko ang bag ko pero hindi ko makita. Puchapay! Kalkal pa rin ako parang mukha na akong mangangalakal.

"You're looking for what, Isabelle?" tanong ni Mr Diaz ng makita niyang tumigil ako.

"My wallet, andito lang 'yun nung gabi" panic naman ako. Nainis ako sa naisip na naiwala ko iyon. May picture pa dun nila Mama at ng kapatid ko. No! hindi maaari.

"Baka diyan lang 'yan, mamaya mo na lang hanapin nandito na ang sundo natin" at lumakad na si Mr Diaz. Iniwan akong nagkakalkal, tsss. Pag minamalas ka na naman ULIT uh!

I swear, nandito lang yun sa bag ko eh. Para na akong maiiyak, tinawag ako ni Mr Diaz kaya napasunod na lang ako. Parang gusto kong itapon ang bag ko sa mukha niya. Tawagin ninyo na akong masama pero pag naiinis kasi ako parang gusto kong manuntok ng tao. Kakatakot ba?

Sa sasakyan hinanap ko pa rin sa bag ko. Tsssss.. pag minamalas nga naman talaga.

Dinala kami ng sasakyan sa isang condo.

Patuloy pa rin ang paghahalughog ko pagdating dito. Hindi ko tuloy na-appreciate ang structure ng condo na iyon.

Hayyy.. buwisit naman nito.

"Magpahinga ka muna Isabelle. Mamaya na lang tayo uli mag-usap" at giniya na ako ng kasama niyang lalaki sa isang kwarto doon.

"Pero Mr D---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil umalis na ito. Shudipaks naman oh! Saan na kasi yung lintek na wallet na iyon. Pag makita ko lang 'yun makakatikim sa'kin 'yun. (pinagdiskitan pa ang walang kamalay-malay na wallet).

Siguro napagud ako kaya nakatulog ako, di ko na namalayan ang oras.

Nagising na lang ako madilim na sa labas.

Agad akong lumabas ng kwarto at nakita ko si Mr Diaz na may kausap na mga lalaki. Dalawang lalaki.

Mukhang seryuso ang pinag-usapan nila.

Nagsasalita si Mr Diaz ng japanese sa kausap.

"Oh here she is" nang makita ako ni Mr Diaz.

Tumayo ang mga lalaki.

"Hello" saka nakipag kamay sa akin.

"Isabelle, this is Dr Okagama and Dr Miraki" pagpapakilala nito sa mga lalaking iyon.

Napakunot noo ako. Ano naman ito? Parang andami ko pang pagdadaanan sa misyong ito ah. At hindi magiging madali ito. Baka pagkatapos nito mamatay rin lang ako sa huli? No way! ako pa.

Pero maaari ring ginagamit at gagamitin lang ako ni Diaz para sa pansariling interes niya. Huli na ba para magback-out ako? Pero nandito na ako, papanindigan ko ito kahit anong mangyari. Napakuom ang bibig ko, oo paninindigan ko ito. Sinimulan ko tatapusin ko. Nandito na rin lang ako maano bang sundin ko o go with the flow nalang muna ako. Kung totoo ngang ginagamit lang ako ni Diaz, gagamitin ko rin siya. Hindi ko hahayaan na siya lang ang makikinabang dito.

Pumunta ako dito na malakas ang loob dapat kaya ko ito. Oo, fighting!

Tiningnan ko ang mga uranggutan este ang dalawang hapon. Nakatingin lang sila sa akin. Ano kaya ang next na gagawin ni Diaz sa akin? Naku, kinakabahan ako dito ah, parang nangangamoy paa, shit!

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon