Gusto ko sana siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko at dahil na rin hindi naman masyadong nakabukas ang pinto nito.

"Sana magkabalikan na kayo." Napansin ko ang pagpapawis niya. Hindi naman masyadong mainit ngayon pero parang may iba talaga sa kanya.

"Sigurado ka bang okay ka lang? M-may masakit ba sayo? Gusto mo bang samahan kita sa ospital? Para kasing---"

"I'm fine, thanks for worrying Miru." Pinilit pa nitong ngumiti bago tuluyang isinara ang pinto. Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako.

Tumalikod na ako bago kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Gabe. Mabilis niya itong sinagot kaya nagtataka ako kung bakit hindi sasagutin ni Gabe ang tawag mula kay Carissa. Sinabi ko sa kanyang magkita kami at kaagad naman siyang pumayag.

Sa coffeeshop malapit sa apartment ako naghintay. Nakapambahay lang kasi ako at walang pakialam ang mga tao rito kung nakapambahay man o hindi. Malapit lang kasi ang dorms at mga apartment dito kaya halos lahat nakapambahay na tuwing gabi.

Tumayo ako nang makita ko na si Gabe na pumasok sa shop. Nakangiti naman itong lumapit sa akin bago kami tuluyang umupo. Parang hindi pa nga nito alam kung ano ang gagawin niya nang malapitan niya ako. Hindi niya alam kung hahawakan niya ako o hindi.

But still, hindi niya ako hinawakan.

"Bakit hindi ka umuuwi?" iyon ang bungad ko sa kanya. Yumuko ako at muling kinagat ang labi ko. "Walang kasama si Carissa, hindi ba yung first trimester ang pinaka-crucial stage?" Nag-aalala kong tanong.

"Pinapunta mo ba ako para rito?" Napalunok ako dahil biglang nawala ang ngiti niya.

"H-hindi. Nag-aaalala lang ako sa kanya kasi parang ang putla niya kaninang kinausap ko siya."

"Maputla siya?" Napansin ko kaagad ang pag-aalala sa mga mata niya. "Hindi ako umuuwi kasi sobrang naging busy lang talaga ako at sobrang layo ng isang site sa apartment. Tinitext ko siya, sinasabi ko sa kanya na kung may kailangan siya magsabi lang siya kay Kyron dahil hindi ako madalas sa site dito. Kahapon pumunta ako ng apartment pero wala siya."

"Ang sabi pa nga niya gusto ka niyang makausap pero hindi mo raw sasagutin ang tawag niya kaya---"

"Hindi siya tumawag sa akin ni minsan." Kinakabahan talaga ako at parang ganun din si Gabe ngayon. "She never texted me either."

"G-Gabe, nag-aaalala ako." Hindi naman ito talaga ang dahilan kung bakit nakipagkita ako kay Gabe. Ngayon ko sana sasabihin sa kanya na ayos lang kung may anak na siya. Okay lang na maging second priority na niya ako kung nandyan na ang bata. Okay lang sa akin. Pero ang lahat ng iyon ay napalitan ng pag-aalala kay Carissa. "I think... I think Carissa's not okay. Gabe, something's not right kaninang kausap ko siya."

Matapos kong sabihin iyon ay bigla siyang tumayo at mabilis na naglakad palabas ng shop. Sinundan ko siya. Halos takbo-lakad na nga ang ginagawa ko makasunod lang sa kanya. Nang nasa building na kami ay patakbo na siyang umakyat sa hagdan. Nauna na siya dahil hindi ko na kayang sumabay pa sa kanya.

"SHT!" Was all I can hear nang malapit na ako sa unit niya. "MIRU!" Sigaw nito kaya mas lalo akong nagmadali papasok sa unit nito, "Miru! Naiwan ko ang sasakyan ko!" Nagpapanic nitong sabi bago ko napansin si Carissa na nakahiga sa sahig at walang malay. "Humingi ka ng tulong! Please!" Mabilis nitong binuhat si Carissa kaya nagmadali naman akong lumabas. Mabuti na lang ay nakita ko kaagad si Oliver.

"Your car! I need your car!" Natataranta kong sabi rito. Agad naman niyang na-gets nang makita niyang lumabas si Gabe habang buhat-buhat si Carissa.

Sa buong byahe ay walang nagsasalita sa amin. Ramdam ko ang kaba ng bawat isa sa amin. Paminsan-minsan ay nagtatanong si Oliver pero hindi naman namin siya masagot. Basta mabilis lang itong nagmamaneho at tanging ang mga busina ng sasakyan nito ang naririnig namin ngayon.

Please... Let her be okay.



*****

A/N: PANIC MODE ON!!! Naaawa ako kay Carissa. Naaawa ako kay Gabe. Naaawa ako kay Miru. Shet this story! Ayaw ko na tuloy! HAHAHAHUHUHU

Anyway, gumagawa kami ng collab ni Alyloony ngayon. For sure marami sa inyo ay reader din niya kaya i-support niyo yung story na naka-post na rin sa wattpad entitled: BLACK STONE: SAPPHIRE. Follow niyo na rin yung account naming dalawa kung saan ito naka post "AriLoony" Bale, balak naming magpost ng update doon once a week. ;)

Going back, ANO ANG TINGIN NIYONG MANGYAYARI SA MGA SUSUNOD PANG CHAPTER? o(>o<)o

VOTE AND COMMENT! LABYU GUYS!



Hello, NeighborWhere stories live. Discover now