Chapter 49 Everything's a mess

Start from the beginning
                                    

“Happy birthday and happy 1st anniversary” sabay kiss niya sa akin sa lips at umakyat na siya sa hagdan

I was stunned..Oo nga pala anniversary namin. Nakaramdam ako ng konsensya

Pag tingin ko sa paligid ngayon ko lang napansin na naka ayos pala dito sa loob, may isang table din at mukhang cnadle light dinner sana ito.

Pumunta akong kitchen para uminom sana ng tubig kaso lalo akong nakonsensya sa nakita ko, may tunaw na ice cream cake na may shape na panda. ang dami din nagkalat na tulips sa sahig, may mga candles din.

Oo na, ako na masama, pero wala eh, galit ako sa kanya. Diba hihiwalayin narin niya ako, diba itong araw na toh ang exact date na pinangako niya sa malanding Crizel na yon? diba? Hindi niyo ako masisisi dahil nasaktan lang naman ako.

KINABUKASAN

Kahit masakit ang ulo ko dahil sa dami ng alak na nainom ko, maaga parin akong gumising. Kailangan kong maunahan si Chase. Ayoko siyang makita, kahit na miss na miss ko na siya. Kunwari pa siyang hindi niya alam ang kasalanan niya. Pero sabagay hindi niya alam na narinig ko ang usapan nila ng malandi niyang babae. So kung hindi ko pa pala narinig hindi ko malalaman?

Agad akong pumasok ng school. Ang baby ko yung yaya niya ang mag-aasikaso sa kanya, di ko na nga siya masyado na aasikaso eh, nadadamay na siya sa away namin ng magaling niyang ama.

***

“Okay kana?” tanong ni Ralph, siya ang kasama kong nag lu-lunch ngayon, si Kimmy kasi hindi pumasok

“I’m okay” kunwaring masigla kong sagot

“You’ve changed” sabi niya, alam ko naman ang tinutukoy niya eh, kasi nag iba na naman ang image ko, bumalik na ako sa dating Kisha, yung maldita, matapang, childish, matigas ang ulo, walang pinapakinggan

“Hindi ako nagbago, ganito na ako dati pa, pinilit lang naman akong baguhin” sagot ko, totoo naman diba? hindi ako nagbago, dahil ganito naman talaga ako dati. And i love it. Cause i’m back.

Hinid na siya sumagot. Kaya naman tumayo na ako para sana bumili ng biglang may bumunggo sa akin at natapunan ako ng Juice sa damit. Pag tingin ko kung sino nakatapon sa akin lalong uminit ang dugo ko. It’s the kirida Crizel.

Tinignan niya lang ako and formed a devilish smile then lumakad na paalis. But hey!! papatalo ba ako. Hinigit ko siya at hinarap sa akin.Kinuha ko yung iniinom na juice sa gilid ng table at binuhos ko ng dahan dahan sa buhok niya.

I smiled. At para naman siyang bulkan na sasabog na sa galit. haha i love seeing her face like that.

“You Bitch” sasampalin niya sana ako kaso nahawakan ko ang kamay niya

I smiled. A victorious smile.

“Yeah i’m a bitch. And don’t you ever try to mess up with a bitch. Dahil baka hindi mo kayanin.” pabalibag kong binitawan ang kamay niya at lumakad palayo. Narinig ko pa siyang nag sumbong sa mga kaibigan niya. Duh~ magsama-sama silang lahat. Pathetic!

You Got MarriedWhere stories live. Discover now