12: Two-Faced

Mulai dari awal
                                    



"Let's go Hannah, baka mahawaan pa tayo ng sakit niya. Inggit."



Hinila ako ni Thea papunta sa comfort room, ang pinagtataka ko lang ay bakit parang kinakabahan parin siya kahit na hindi na namin kaharap si Lexi.



"Sige na, maligo ka na lang muna sa loob. May shower naman jaan at may extra pa naman akong damit." Inabot niya saakin yung towel and agad naman ako pumasok sa loob para ayosin yung sarili ko. Hindi man aminin ni Lexi pero alam ko siya ang gumawa nito.



Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit galit na galit siya saakin kahit wala naman akong ginagawa, dati kaya ang bait niya saakin. Nong unang pasok ko dito sa YunteVella hindi ko alam na siyang ang Queen bee, sobrang bait niya at tinulongan niya pa ako hanapin yung klase ko. Maya maya ay natapos narin ako sa pagligo at palabas na sana ng maalala kong wala pala dito yung extrang damit na sinasabi niya.



"Hannah, mauuna na ako! May aayosin lang ako."



"Teka! Thea yung uniform?" Narinig ko ang pagsarado ng pinto dahilan para mapabuntong hininga ako, napatingin ako sa damit na nasa harapan ko. Hindi ko pwede gamitin ito dahil nilalabag ko ang dress code ng school. Halos napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa CR, lumapit ako sa pinto at binuksan ito kaunti.



"Huh? Saan naman ito galing? Bakit may damit na agad?" Kinuha ako ang nakaplastic na uniform at napatingin ako sa isang sulat.



"Love letter?" Siyempre biro lang, pero pwede din.



"When someone can't reach you, they do their best to pull you down to their level. Sincerely all yours, Neil (Blue)."



Amppp.



Niyakap ko ang letter at pumasok ulit sa cubicle para magbihis, nakakaloka! May pa sincerely all yours ka pa! Feeling ko tuloy pwede na akong dalhin sa hospital dahil nababaliw na ako, habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin halos pumikit na ang mga mata ko sa ngiti ko. Lumabas na ako sa CR at napatalon ako sa gulat dahil may sumipol.



"For the second time, Miss. Anong pangalan m? I just want to know kung pwede ko na ba palitan yung surname mo." Pinagmasdan ko siya habang dahan dahan lumapit saakin, teka, parang pamilyar siya.



"IKAW!?" Halos tumulo ang laway ko sa itsura niya, mapapa kumikinangina ka talaga dahil sa mga mata niya. 



Matangkad na payat, maputi, matangos ang ilong, at yung boses niya. Nakakaloka!

She's The Campus StalkerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang