5: The Second Member

5K 208 23
                                    

V
~¤~
The Second Member
..............

HANNAH


Binuksan ko ang mga mata ko at ang unangh nakita ko ay si Neil, pinikit pikit ko pa ang mga mata ko para masiguro ko na siya nga. His smile were priceless but, when you look at his eyes you can see a lot of mix emotions. Biglang nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako ng mahigpit, Angas. Kung may yakap sa dilim, may yakap din sa liwanag. 



"Ehem!" Napahiwalay sa pagkayakap si Neil saakin, 30 seconds na yakap? Yun na yun? Napatingin ako sa nagsalita, kung kanina kasing laki ng mata ko ang eyebags ko ngayon naman hindi na. 



"Sino ka ba? Bakit ka ba nandito?" Tinuro ko yung lalaking nasa pintoan gamit ang bibig ko at tinignan si Neil, Namumukhaan ko siya pero parang hindi. 



"Aray, Ganon na ba ako kadaling kalimutan?" Sinamaan ko siya ng tingin at lumapit naman siya ng dahan dahan saakin habang ang mga kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya, I can't help but to admire his looks, pero siyempre hindi ko ipapatalo yung manok ko kaya Neil parin.



"Sige na, Magpapakilala na ako. Makakalimutan mo man ang pangalan ko hindi mo naman makakalimutan ang mukha ko. I'm Liam, Liam Martinez. Second Member of TeVella Club." Napakunot parin ang noo ko dahil hindi ko talaga siya maalala.



"Okay fine, Ako yung kasama mo kahapon. I'm the soon to be valedictorian and you are my salutatorian." Abay! Ang kapal naman talaga! 



"Abay-" 



"Hannah, Kumalma ka. Paano kung may mangyari na naman sayo at makalimutan mo rin ako?" Napatahimik naman ang sissy niyo, Hindi naman kita makakalimutan Neilabs, Don't you worry you're always here in my heart. 



"Maayos na ba pakiramdam mo? Gusto mo tawagin ko mga magulang mo? Nagugutom ka ba? Gusto mo ba na sabay tayo kumain?" Halos mahimatay ako ng mag wink siya sa huli niyang sinabi. Oo Neil! Gutom na gutom na ako.



"Neil Smith, Huwag kang magkakamali sa mga ginagawa mo." Nagulat ako ng kwelyohan ni Neil si Liam, Humaygashh! Ang ganda ganda ko talaga para pag awayan.

She's The Campus StalkerWhere stories live. Discover now