11: Galaxy Company

3.3K 171 17
                                    

XI
~¤~
Galaxy Company
..............

HANNAH


I know for a fact na I'm getting this much of attention because of my looks, pero hindi ko parin tanggap na people will treat you based on your looks. If you are attractive, then you deserve all the love, and if not, then you deserve all the hate. Tinignan ko isa isa ang mga kaklase kong lalaki, yung iba nga dito hindi ko naman kaklase pero I'm sure lahat sila naging parte sa pangbubully saakin.



Napaubo ako at nagulat ako dahil nagsulpotan ang mga bottled water sa harap ko na para bang ibinibigay nila saakin ito. "Water?" Halos mapako na yung tingin saakin ng mga kaklase kong babae dahil sa atensyon na nakukuha ko, meron pa nga kanina nagaway yung magjowa.



All my life, I have been asking what's wrong with me? Is it because of my looks? The way I dress? Talk? kaya ganito ako tratohin ng mga tao na para bang basura. Ang totoo niyan hindi ako ang may mali, wala akong mali, sila yung may mali. Sa totoo lang wala naman talagang pinanganak na panget, panget na ugali meron pa, balita ko sinalo nga ni Lexi lahat eh.




"Move." Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya, boses palang nababaliw na ako. Hay naku, Ano bang ginawa mo saakin Neil? Umupo siya sa harap ko at tinignan yung mga kaklase ko, agad naman silang nagsialisan sa ginawa niya.



"They say before you die, you should see the most beautiful places in the world... I have to admit, I think I'm ready to die because..."



"This is the most beautiful place in the world..."



 Napakagat ako sa labi ko at para bang sasabog na ang puso ko sa sinabi niya, siyempre naiintindihan ko yung ibig niyang sabihin dahil hindi naman ako bobo. Running for valedictorian pa nga ako eh.



"Huh? Bakit naman? Ang init init kaya dito sa gym." Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa mga sinasabi ko, halatang gusto ko lang marinig na masabi niyang special ako eh. Hawrot!



"It's not about the place, Hannah." Hinawakan niya ang kaliwa kong pisngi at dahan dahan kinurot, jusko! Mas malambot pa yung kamay niya kaysa sa pisngi ko nakakahiya!



"Uhm, aalis na ako. May ibabalik pa pala akong books sa library." Kinuha ko ang bag ko at tumayo agad, paalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.



"You look beautiful, as always."



Jusko, Mr. Smith.


She's The Campus StalkerWhere stories live. Discover now