4: Almost Perfect Day

5.6K 227 29
                                    

IV
~¤~
Almost Perfect Day
..............

HANNAH


Nakakibit balikat akong naghihintay ng taxi na masasakyan, 10 o'clock na ng gabi at wala ng masakyan dito sa YunteVella kaya wala talaga akong choice magtaxi. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyari na nakasama ko si Neilabs o hindi. Bitin kaya ang 5 hours na pagsasama namin, feeling ko nga tulog ko lang yun 'e. 



"Kuya sa Cubao po." Napahawak ako sa noo at napatingin sa taas. Ano na naman kaya ang idadahilan ko sa mama ko? Sigurado akong aawayin na naman ako non at papakainin ng maraming sermon. 



"Ikaw lang ba magisa miss?" Napatingin ako kay Kuyang Driver at sa paligid ko. Hindi kuya, Dalawa kami! Yung isa jowa ko kaso hindi siya visible sa naked eye. Ang sakit naman! Kailangan ba talaga ipamukha na single ako? 



"Kuya naman, So ano? Ako magmamaneho? Hindi mo isasama sarili mo papuntang cubao?" 



"Eto naman, Biro lang yun miss. Hay mga babae nga naman kapag may bisita." Nagsimula na siyang magmaneho, Tahimik lang ako buong biyahe dahil wala naman akong bisita, Halla! Baka naman may nakikita si kuya na hindi ako nakikita? 



"Miss, may joke ako kapag tumawa ka may discount ka ng 20% off." Inayos kon ang upo at pinakinggan si kuya, Aarte pa ako may discount na nga 'e.



"Alam mo ba ang tawag sa paniki na mababa ang lipad?" Napaisip ako sa sinabi niya, pakiramdam ko lahat ng neurons ko gumana na pero hindi ko parin alam ang sagot. 



"Kuya pasensya na po hindi ko alam ang sagot 'e." Napatingin ako sa paligid at malapit na ito sa bahay namin. 



"Lowbatt miss!" Tumawa si kuyang driver kaya tumawa ako ng bonggang bongga para sa 20% discount. Sa sobrang tawa ko inubo ako at dinala ako ni kuya sa isolation center. Hindi joke lang!



"Kuya dito na lang po." Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera, Wala na pala akong kapera pera sana sakto ito para sa pangbayad ng pamasahe ko bukas.



"Dahil plastic ang tawa mo 25% off na lang." Cinompute ko ang bayad saka inabot ito sakanya. 



Bumaba na ako ng kotse at pumasok ng bahay, Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong patay na ang mga ilaw, dahan dahan akong humakbang sa hagdan pero wala pa ako sa pangatlong apakan tumunog na ito.



"Hannah Raine Lee." Napakagat na lang ako sa labi ko ng marinig ko ang boses ni mama, dahan dahan akong humarap sakanya at napalunok ako ng may hawak siyang hanger.

She's The Campus StalkerWhere stories live. Discover now