6: Cheesecake

4.7K 196 9
                                    

VI
~¤~
Cheesecake
..............

HANNAH


Hanggang ngayon bumabagabag parin yung ngiti nong lalaking yun saakin, Ewan ko ba! Parang may something saakin, nang dahil sa ngiting yun hindi ako nakatulog sa kakaisip sakanya. Umupo na ako sa upoan ko at napahawak sa tiyan ko ng magwala ito.



"Hi Hannah." Napatingin ako sa nagsalita at pakiramdam ko nawala ang gutom ko ng makita ko ang pagkain sa harapan ko, Ano ba naman Neil!



"Hello?" Umupo si Neil sa tabi ko at inabot saakin ang isang box, Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti sa ginawa niya.



"Mali, Cheesecake kaya yan. Blueberry Cheesecake. Tingin mo ba magugustohan yan ng pagbibigyan ko?" Napakunot ang noo ko at binalik sakanya ang box, Akala ko pa naman saakin na. Akala ko pa naman ako na, Sige! Salamat na lang sa lahat malason sana yung pagbibigyan mo.



"Maganda naman for sure magugustohan yan ng pagbibigyan mo." Iniwas ko ang tingin sakanya at nagsimulang magbasa sa libro ko. 



"Buti naman at nagustohan mo, sige na kainin mo na yan." Napakunot ang noo ko at napatingin sakanya. Wait! Saakin ito? Okay, binabawi ko na yung sinabi ko na sana malason yung pagbibigyan niya.



"Para saakin?" Ka?



"Oo naman, Sige na kainin mo na." Binuksan niya ang box at kumuha ng kutsara, Huy! Kinikilig ako ano ba.



"Say Ahh." Ahh? As in Ahh Love you? Hawrot!



"Just eat it. It took me 2 hours to bake a perfect cheesecake for a woman who completes my day when I see her." Nakagat ko ang lowerlip ko sa kilig, Ampucha naman! Halos mapasapo ako sa mukha ko ng suboan ako ni Neil ng cheesecake. 



"Huwag kang magalala walang lason yan, at kung meron man my lips are ready for true love's kiss." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at napatingin naman saakin ang mga kaklse kong babae, pag inggit pikit.



"Ang galing mo magbake ah!" Napatango tango ako habang ngumunguya, Jusko! Sana ganito na lang lagi.



"Oo naman, Soon there will be a bun in your oven." Nanlaki ang mata ko at napatingin ako, teka lang! Agad agad? Walang awat awat!? Napaubo ako at agad niya naman ako binigyan ng CPR de joke lang! Binigyan niya agad ako ng tubig at pinat ang likod ko.



"Joking." 


She's The Campus StalkerWhere stories live. Discover now