7: Fire Turns Into Tears

4.1K 203 24
                                    

VII
~¤~
Fire Turns Into Tears
..............

HANNAH


Bigla akong napatigil sa paglalakad nang harangan ng DUH GURLS ang hallway, Ano na naman ginawa ko? Napatingin ako sakanila at napahawak ng mahigpit sa libro ko.



"Duh, I'm impress, you still have the guts to look at me straight in the eye without Fear." Pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang buhok ko, Anong di takot? Takot na takot kaya ako, Duh.



"Hindi ko aakalain na ang isang tulad mo na nakatago sa mga damit na yan ay may taglay palang kalandian, Sinabi ko na sayo nong una palang. A girl like you don't deserve a prince charming, You are Fiona remember?" Naramdaman ko na paalis na sila kaya humarap ako at huminga ng malalim. I'm sure na i'll regret this pero hayaan na.



"Alam ko naman yun, I know that in this world of fairy tale i'm just fiona who everyone considered as the ugliest princess but like fiona i won't stop dreaming until i get the man of my dreams." Lumingon siya at napataas ng kilay, Ayan na nga ba! Bahala na.


"Well love, Keep on dreaming until you see yourself falling on a nightmare."


Napairap na lang ako at naglakad papunta sa klase ko, Wala pa naman kaming ginagawa ni Neil pero takot na takot na sila. Napakunot ang noo ko ng makitang walang katao tao sa room namin.


"Oh Hannah? Why are you here? Haven't you heard na doon tayo sa lumang science lab? Hurry, nagchecheck na ng attendance ang prof natin. Don't tell them na nakita mo ako 'a, I'm not in the mood to attend classes." Kahit nagtataka ako tumango na lang ako at pumunta ng science lab, Binuksan ko ang pinto ng science lab at bumungad saakin ang iilan sa mga kaklase ko pero wala ang prof namin.


"Oh Great, Hannah is here. Darling would you mind staying here for a second? Wag mo isasara ang pinto okay? And pabantay narin itong ineexperiment namin, make sure na hindi siya lalagpas sa boiling point." Napatango na lang ako habang nilalabas ang libro ko, nagsilabasan na sila at biglang tumaas ang balahibo ko nang humangin ng malakas dahilan para magsara ng malakas ang pinto.


"HOYYYYYY!!!" Pinihit ko ng pinihit ang door knob at hindi ko mabuksan ang pinto, Jusko! Paano na 'to ngayon? Huminga ako ng malalim at hinanap ang hair clip ko. Napatigil ako sa paghahanap ng makitang nag kulay orange ang kulay ng paligid.


"HOOYYYY!! SUNOG! BUKSAN NIYO ANG PINTO!" Binato ko na ng kung ano ano ang pintoan at nagsimula ng kumalat ang apoy sa buong lab, Napaubo ako at napahiga na lang sa sulok.


Nagsimula ng lumabo ang paningin ko at manikip ang dibdib ko, Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko.


***

LIAM


Halos ilang minuto na ang nakakalipas at wala parin si Marshy dito sa science lab, Tumayo ako at tahimik na umalis sa klase ng prof namin. Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko kapag hindi nakikita si Marsy, para bang may mali.

She's The Campus StalkerWhere stories live. Discover now