2: He Knows My Name

7.7K 291 54
                                    

II
~¤~
He Knows My Name
..............

HANNAH


Hindi ko alam kung ilang beses na umiikot ang mata ko sa kakairap, pero ang alam ko sumasakit na ulo ko sa kakaganon, Nakakainis naman kasi na porket maganda ka ikaw magiging apple of the eye ng lahat.  Atsaka hindi naman siya ganon kagandahan 'e, Alam ko naman na panget ako pero bakit naman mas pinagpalit ako sa panget. 



Matagal ko ng Crush si Neil, First Year College palang ako nagkakandarapa na ako sakanya. Siguro mga Tatlong taon ko narin siya crush, Crush pero umaabot ng tatlong taon? Napaka hirap makuha ang atensyon niya bukod sa hindi ako maganda, marami pa ang nagkakandarapa sakanya. Mapapa "unang araw palang minahal na kita 'a" ako nong nagkita kami, Ay ewan, nagiging jeje na naman ako.



Nang makita ko yung babaeng nanglalandi sa Neilabs ko bigla na naman umikot ang mata ko, Kinuha ko yung student's handbook sa bag ko at nag panggap na nagbabasa habang lumalapit sakanya, Kalma Self, Panget tayo.


"Showing Sexual Interest to any Living or Non-Living Thing are Strictly Prohibited in our School." Nagakto ako na parang nagiisip isip sabay tingin kay Salvador, Nagpanggap pa ako na nagulat at napatingin pa sa libro.




"Hoy! Nerda! Anong sinasabi sabi mo jaan tungkol saakin!?" Napalingon ako sakanya at nagakto na parang inosenteng bata. 



"Huh? Ako?" 


"Malamang ikaw lang naman ang Nerda dito diba? The Audacity of you to mumble something about me!" Halos mamula mula na siya sa galit saakin, Ahh okay! Natamaan siya ganon?



"Nagbabasa lang naman ako ng student's handbook miss, I have no intention to hurt or offend someone. Atsaka, yun naman talaga nakasulat 'e." Nagulat ako ng kunin niya iyon at itinapon sa malayo. 



"Pwede ba Nerda, Kapag inggit pikit. And also, I have no intention to hurt of offend someone like you with my undying beauty. Kaya pwede, sa susunod na magbabasa ka pakitikom yang bibig mo dahil amoy na amoy ko yung inggit mo." Tinulak niya ako dahilan para mapasandal ako sa mga lockers at naglakad papalayo saakin, Huminga ako sa palad ko at inamoy ito, hindi naman amoy inggit ah! Atsaka meron bang ganon na mouthwash bigay ko lang sana kay Lexi. 



Kinuha ko ang mga librong nahulog ko pati narin ang student's handbook na tinapon niya. Ayan kasi Hannah, Hindi mo na dapat ginawa yun. Mas nasasaktan ka lang pag gusto mong may masaktan. Naramdaman ko na may kumukuha rin ng ibang libro na nahulog ko. OMG! Eto na ba yung mga napapanood ko sa TV? yung mahuhulog yung libro mo at may tumulong sayo sa pagpupulot at pagtingin mo isang prince charming na ang nasa harapan mo? Pero, paano kung babae 'to?

She's The Campus StalkerWhere stories live. Discover now