Prologue

2.5K 42 3
                                    

"Pagod ka na ba sa pagsunod sa kung ano-anong rules?

Pwes hindi lang ikaw!

Hulaan ko ginawa mo na ang lahat, mawala o maglaho lang yon? Pero ano...? Effective ba?

Gusto mo ng tips?

First... Find the Mr. Right or Ms. Right of your life. Second... Use it as an inspiration. Third... Attempt to break the rules using your heart.

KASO... May side effects!

Pwede kang masaktan...

O kaya pwedeng gumulo ang buhay mo...

You might take the wrong path...

Or worst... Pwedeng kang sirain ng mismong rules na sinira mo.

Kaya...

BE CAREFUL ON WHAT YOU WISH FOR! Marunong ring maghiganti ang mga Rules. Malay mo... BALIKAN KA. More HARDER more WORST.

Siga ka... Ikaw rin ang talo."

Biglang kumunot ang noo ni Loisa sa pinabasa sakanya ng kanyang kaibigan.

"Ano tong trip mo, Alexa?"

"What? I just want to share them our story. Marami na silang nabasang kwentong gawa ko. Peke naman. This time it's for real."

Agad namang sumingit si Ylona na inaayos ang buhok ng kaibigan.

"Hay nako, Alexa! Mukhang gusto mo pang idamay ang mga readers mo sa magulong buhay natin noon."

"Yan ba ang huling gusto mong gawin bago ka tuluyang maging tunay na Aguas?" Ang tinutukoy ni Loisa ay ang kasal ni Alexa at ang fiancé nitong si Nash sa susunod na araw.

"Oo. After all our years of friendship... Siguro it's time to turn our story into a book. Tutal may mga pamilya na naman kayo." Sabi ni Alexa sa mga kaibigan nitong sina Loisa Andalio-Garcia at Ylona Garcia-May.

"Ewan ko sa 'yo. Baka manganak ako ng wala sa oras dahil saiyo e." Sabi ni Ylona na kabwunan na sa susunod na buwan.

"So kaya mo bang tapusin ng-- teka wait!" Sigaw ni Loisa at nilapitan ang anak na magiisang taong gulang na sa makalawa. "Don't touch that, EJ! That's dirty!"

Dala dala naman ito ni Loisa na bumalik sa pwesto nya.

"Ano ulit sabi mo, Loisa?" Tanong ni Alexa.

"Ang sabi ko... Kakayanin mo bang tapusin yan ng dalawang araw? Hello! Malapit na ang kasal mo!" Nabigla naman sya ng tumango si Alexa.

"Ano?! Bawal hagard sa kasal!" Sigaw naman ni Ylona.

"Chill! Kaya ko to guys. Tsaka kahit ilang taon na ang lumipas... Tandang tanda ko parin ang istorya natin." Napailang nalang sila at muling nagsalita.

"Just make sure na magugustuhan yan ni Janella." Tawa ni Ylona na binara naman agad ni Loisa.

"Osige nga. Padala mo sa langit ha! Kailangan malaman mo ang comment nya at kung nagustuhan nya, okay?" Natawa naman si Alexa dahil sa pagiging sarcastic ni Loisa.

Nagtawanan naman sila ngunit natigil yon ng magreklamo ang batang si EJ.

"Mimi... Yayo." Dahil bulol hindi nya masabi ng maayos ang salitang "laro".

"Eto na nga po." At nagkanya kanya na sila ng ginawa.

Si Ylona ay umupo at hinimas himas ang tiyan nya na malaki na. Ayon sa doctor ay kambal na babae daw ito kaya dapat syang magdoble ingat.

Si Loisa naman ay nilaro at niyakap yakap ang anak na si Eloisa Joshae or EJ for short. Si EJ ay matalino tulad ng kanyang ina at makulit naman na namana nya sa amang si Joshua.

At babae po sya. Hindi lalaki.

Si Alexa naman ay tinuloy na ang istorya nilang apat na magka kaibigan pati narin ang mga nagustuhan nila.

Napangiti naman si Alexa ng walang dahilan. "We really miss you, Janella. It's more fun if you're here."

At nagbalik ulit sa isip nya lahat ng mga pangyayari noon, mula nang lumipat silang magka kaibigan sa iisang bahay.

-----------------------------------------

AN: First edit: January 2016, second edit: August 7, 2016, third edit: September 20, 2016.

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now