Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi hawakan ang puso ko. Sobrang saya ko, sana ganito na lang lagi. Napatingin ako sa paligid ko dahil nasaakin na naman ang atensyon ng lahat, Nakakatawa. Nakakatawang isipin na dati habang naglalakad ako sa hallway pinagtritripan nila ako, halos masuka pa nga sila kapag nakikita ako.
"Are you lost, Miss?" Napakunot ang noo ko sa lalaking lumapit saakin, Ako? Mawawala? Halos nakatira na nga ako dito sa YunteVella eh.
"May I know your name? I just want to know kung bagay ba yung surname ko sayo." Halos malaglag yung panga ko sa narinig ko. Nilampasan ko lang siya at dumiretso papunta sa library.
***
Paalis na sana ako ng library nang marinig ko ang pangalan ko sa isang usapan. Napatingin ako sa naguusap at nakita ko si Lexi na nasa may bandang gilid ko lang, nagpanggap ako na may hinahanap na libro para hindi niya ako makita.
"Duh, seryoso kami! Narinig pa nga namin na mas maganda pa daw yung Hannah kaysa sayo." Napatingin ako kay lexi na halos bumaon na yung kuko sa lamesa. Lagot, sigurado tumataas na ang dugo nito saakin.
"So what? As if naman na matatalo niya ako? Those people who think she is prettier than me needs brain surgery immediately."
"Duh, Just admit it. Kinukuha niya na ang spotlight mo, I mean she's running for valedictorian, mabait, and now maganda pa? For sure, baka yang pagiging queen bee mo mapunta pa sakanya."
Nanlaki ang mata ko nang sampalin ni Lexi ang kaibigan niya, agad naman niya naman pinalayas ang mga ito. Aalis narin sana ako kasi baka pati ako masampal niya nang makita kong may tinatawagan siya.
"I don't take no as an answer."
"Don't tell me you are starting to fall? Look, let's make things easy as pie. You have two choices hon, think wisely."
"I'm Lexi Anderson, I can make miracles happen with my power. I know naman na alam mo yun diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/54984780-288-k360894.jpg)
YOU ARE READING
She's The Campus Stalker
Teen FictionEDITING TILL IT STOPS BEING CRINGEY One day they will regret doing wrong on you because they will see how amazing your life without them. _____________________ Date Started: Nov 2, 2015 Date published: Dec 16, 2015 Date Finished: April 14, 2016 St...
11: Galaxy Company
Start from the beginning