Nagbihis ako at naghanda para lumabas. Nagpaalam ako sa katulong na lalabas lang ako sandali. May dala pa akong papel at ballpen. Kung anong gagawin ko? Secret muna sa ngayon.

 

Pagdating ko dun sa lugar, nandun na nga sya at magkasalubong ang kilay. Mukhang may naistorbo talaga ako kanina ah.

 

“Hoy Elle! Anong gusto mong mangyari at sa ganitong oras mo pa talaga gustong makipagkita ha?” bungad nya sa akin.

 

“Relax RC, kakadating ko lang at pumuputak ka na dyan.” sabi ko at umirap lang sya. Alam ko naman na hindi ako matitiis nyan eh. Kahit enemies kami sa kagandahan.

 

“Oh? Anong gusto mong mangyari?” tanong nya at sinabi ko naman sa kanya ang plano ko at tuwang-tuwa ang gaga ng marinig yun.

 

Pinakita ko sa kanya yung listahan ng gagawin ko.

 

1. Be his wife. (check)

2. Act like his wife. (check)

3. Bond with him.

4. Make a connection with him.

5. Make an unforgettable moment with him.

6. Date him.

7. Make him jealous.

8. Make him say I love you.

 

“Girl, sa tingin mo gagana yan?” maarteng tanong nya.

 

Ngumiti ako ng malaki at proud na sinabing.. “Hindi.”

 

Tumaas ang kilay nya at inirapan ako. Eh sa hindi ko talaga alam kung gagana. Nakuha ko lang to sa internet way back highschool days pa. Nasubukan ko naman na ang lahat, eh eto lang naman kaya kaya yan.

 

“Wala naman masamang mag-try di ba? Promise, last na to.” mahinang sabi ko.

 

“Dakilang tanga at gaga ka talaga Elle. Reyna ka din ng mga martyr. Ilang beses mo na bang sinabi na last na. Kaloka ka, pag ako nagka-wrinkles sa sobrang stress sa buhay mo, ikaw ang magbabayad ng pagpapa-Belo ko.”

 

Hindi ko nalang sya pinansin at lihim na ngumiti. Promise ko talaga sa sarili ko, last na to. Hindi naman kasi habangbuhay sa kanya nalang iikot ang mundo ko. Siguro dadating na din sa point na mapapagod na akong habulin sya. Kung hindi talaga, eh di hindi pwede. Pero gagawin ko talaga ang lahat para maging successful to. Sabi nga nila, save the best for last.

 

*

 

“Hoy ano ba?! Mr. dela Vega and Ms. Villegas! Ayusin nyo yan. Okay start ulit!” galit na sigaw nung instructor namin.

 

Paano ba naman kasi ayaw nyang sumayaw ng maayos. Mukha syang badtrip at badmood. Parang ayaw nya akong kasayaw! Eh halos nga lahat ng lalaki naiingit sa kanya kasi ako ang partner nya tapos sya wala lang. Saklap talaga oh.

 

“Ayusin mo nga kasi King.” bulong ko sa kanya. Hindi ko naman din magawang mainis kasi ewan.. siguro dahil mahal ko sya.

 

“Tss.” yun lang ang sinabi nya at nagsimula na kaming sumayaw.

 

“Mr. dela Vegaaaaa!! Bakit ba ganyan ang hawak mo kay Ms. Villegas?! Mukha kang nandidiri! Break muna tayo! Mamaya na nating to ituloy! Ikaw! Mr. dela Vega, umayos ka!” sabi nya at nag-walk out.

 

Umalis na din si King at ako umupo sa tabi. Ano bang problema ng lalaking yun? Nung kaninang umaga mukha pa syang good mood kasi sinabay nya akong pumasok kahit di kami nag-usap pero ngayon mukhang may topak.

 

“Bakit ganun si King?” tanong ni Luke na nasa tabi ko na pala.

 

“Ewan ko.” walang gana kong tanong at uminom ng tubig.

 

“Siguro nagselos kanina kasi inakbayan kita.” bigla nyang sabi kaya nasamid ako.

 

Feeling ko napunta na sa ilong ko yung lungs ko. Okay, ang OA pero ang sakit talaga sa ilong.

 

“Ayos ka lang?” tanong nya at tumabi sa akin. Pi-nat nya yung likod ko pero umiwas lang din ako.

 

“Fuck you, Luke! Kung ano-ano ang sinasabi mo dyan. Bwiset ka!” sabi ko at pinagpapalo ko sya.

 

Pero napa-isip din ako dun. Okay pa naman kasi sya kanina pero simula nung nakipagkulitan na ako kay Luke pagdating ng school ayun bad mood na.

 

Magsasaya na sana ako kaso bigla kong naalala yung sinabi nya sa akin kagabi. Yung wag daw akong makipag-landian kay Luke.

 

“Aray!” nabalik ako sa realidad ng marinig ang malakas na sigaw na yun. Hindi ko pala namalayan na nasuntok ko na sa mukha si Luke.

 

Nag-panic naman ako kasi parang pumutok yung labi nya sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya.

 

“Hala! Sorry, patingin nga ako.” sabi ko at inilapit ang mukha ko kay Luke para tingnan ng mabuti yung mukha nya.

 

*booogsh*

 

 Bigla akong napahiwalay kay Luke nung marinig ang malakas ng kalabog na yun at napatingin dun sa pinanggalingan ng ingay.

 

Si King na papalabas ng pinto at nakatumbang upuan ang nakita ko.

 

Ano kayang problema nun?

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon