Chapter 5

198 41 32
                                    


Nagising ako nang may tumawag sa aking pangalan mula sa labas ng aking silid. Si Mark iyon. Agad akong tumayo't lumabas, nadatnan ko siya sa kusina na nag hahain ng aming kakainin. Lumapit ako sa kanya't niyakap siya mula sa likuran.

"Good morning." Bati ko't hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti siya.

"Good morning, mahal." Ganting bati niya't humarap sa'kin upang yakapin rin ako. "Tara, kain na tayo." Sabi niya ng kalasin niya ang pag-kakayakap niya sa'kin. Hinila niya ang isang upuan at pina-upo ako roon.

Bacon, scrambled egg, toasted bread and fried rice, ang nakahain ngayon sa hapag. Napangiti ako. "Bakit ikaw ang nag luto? Hindi ba't ako dapat ang gumaw no'n, kasi ako ang babae?" Natatawa kong sabi.

Ngumiti siya. "Ayokong mapagod ka." Sabi niya habang nilalagyan ng fried rice ang plato ko. Matapos niyang lagyan iyon ng scrambled egg at bacon ay nagpa-salamat ako sa kanya.

"Mamaya, after nating kumain ay mag su-swimming tayo at baka pumunta rin tayo sa supermarket malapit dito at bibili ako ng mga ingredients, para sa iluluto ko mamaya." Sabi niya habang kumakain. Kumunoot ang noo ko.

"Ikaw nanaman ang mag luluto. Pwedeng ako naman?" Sabi ko at uminom ng Orange juice.

Sandaling tinitigan niya ako. "Yes, but I'll help you."

Tumango ako at ipinag patuloy ko na ang pag kain.

Nang matapos kaming kumain ay si Mark na ang nag prisinta na mag liligpit at mag huhugas ng mga pinag kainan namin, pagkatapos ay pumunta kami sa kanya-kanyang kuwarto upang mag palit ng damit.

Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Ngunit, hindi pa ako tuluyang nakakababa ay narinig ko ang boses ni Mark na inis na inis mula sa kuwarto niya. Lumapit ako sa pintuan at idinikit ko ang tenga ko sa pintuan niya.

"Please, dad. 'Wag niyong sirain itong araw namin. No! Hindi ako tatakas, okay? Gusto ko lang siyang makasama kahit--- Ugh. Yes, dad. Sa Monday, nandiyan na ako. Bye."

Nang matapos siyang mag salita ay agad akong tumakbo pabalik sa kuwarto ko at agad na isinara ang pinto, sumandal ako sa pintuan. Tatakas? Saan? Hindi ko lubos na maintindihan ang mga sinabi niya kay tito Marvin, dahil wala naman siyang nai-kukuwento sa'kin.

Nagulat ako nang may biglang pumihit ng door knob ng pintuan kung saan nakasandal ako. "Mahal? Nandyan ka ba sa pintuan? Hindi ko maitulak." Sabi niya at kumatok. Umalis ako sa pag kakasandal at binuksan ang pintuan. Nginitian ko siya.

"Hey." Naiilang kong bati sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong niya't pumasok. Tumango lang ako. "Tara na?" Aya niya at hinawakan ang kamay ko.

*****

"Mahal, ano ba ang iluluto mo mamaya?" Tanong niya habang sinusuri ang hawak na wine.

Lumapit ako sa kanya't iniabot ang hawak kong soy sauce.
"Cheese pizza and.." Sandali akong nag-isip. "And pasta."

"Para saan itong soy sauce?"

"Supply. We will need that tomorrow."

He nodded "Okay."

"Ano pa ang gusto mo para mamaya?" Tanong ko nang mapansing malayo ang tingin niya na parang ang lalim lalim ng iniisip. He didn't answered my question that's why I asked him again. "Mahal? Ano pa ang gusto mo para mamaya?"

He looked at me. "Huh? Ah wala.. wala naman na. Okay na iyong mga sinabi mo kanina."

"You okay?"

Ngumiti siya't tumango. "Yeah, I'm okay." Lumapit siya saakin at niyakap ako.

"Ang lalim ng iniisip mo ah. Ano ba yan?" Biro ko.

"Wala." Sabi niya at tumawa

"Tara na nga. Bumili na tayo para makauwi na." Sabi ko't hinila siya.

*****

THIS IS VERY IMPORTANT, READ THIS. (Peace)

Whaaaat's up guys?! I missed you so much guys! Hahaha (I'm not joking.)

Yeah, yeah, yeah, hahaha ✌️

So, umm.. sorry for the short update. Next update, promise mahaba na siya, i'm just busy right now (i'm always busy.) that's why my update was super duper short.

Wait, before I go, guys please, i-comment niyo kung ano ang inyong mga opinions about this story and kung anong gusto ninyong mangyari kay Grace and Mark, or kahit na anong gusto ninyong sabihin, I badly need your advices and opinions, and I just want to know kung anong mga nasa isip ninyo habang binabasa ninyo itong kuwentong ito, kung nagustuhan niyo ba o hindi. If hindi niyo naman nagustuhan, it's okay, mag comment parin kayo, mag rereply parin ako kahit sa mga bad comments. 😀 And of course, if you like it, hit the star!

That's all and I Thank you! 😊 wahaha joke 😂✌️

All votes and comments are very much appreciated! 😁

Forever.Where stories live. Discover now