Chapter 4

247 42 30
                                    


"Where are we going?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot at patuloy pa ding nag lakad. "Mark, where are we going?" Ulit kong tanong sa kanya, this time ay tumingin na siya sa'kin.

"Parking lot." Matipid niyang sagot. Nanliit ang mga mata ko sa narinig.

"Ba--- Oh, don't tell me na aalis tayo?" Tanong ko ulit. Ngumiti siya at hindi sumagot. What the heck?! "Ibaba mo ako, Mark! Ngayon din! Ayokong mag cutting!" Sigaw ko sa kanya, pero parang wala siyang narinig. Hindi naman ako pwedeng gumalaw galaw dito dahil baka mahulog niya ako't bumagsak ako sa simento.

Wala na talaga akong nagawa nang i-sakay na niya ako sa kotse niya. Umikot siya papuntang driver's seat at agad na binuhay ang makina ng sasakyan. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya, at hindi naman kami nahirapang lumabas ng school dahil walang Guard na nag babantay sa gate.

"Are you out of your mind, Mark? Our parents will kill us!" Galit kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Nang ibalik na niya ang tingin sa kalsada ay lihim akong ngumiti.

"They won't. They know about this." Sabi niya at ngumiti sa'kin. Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano, at bigla na lang akong nalungkot. Hindi ko alam kung bakit.

"Bakit mo nga palang naisipang mag cutting classes tayo?" Nagtataka kong tanong. Hindi naman kasi siya nagka-cutting classes dati. First time namin 'to.

"Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon." Sabi niya at mahinang tumawa.

"Lagi naman tayong mag kasama ah?" Naiiling at natatawa kong sabi sa kanya.

"Oo nga, pero lagi naman natin silang kasama." Tukoy niya sa mga kaibigan namin. "Gusto kitang masolo. Kahit ngayon lang." Naka-ngiti pa rin niyang sabi.

Tumingin ako sa kanya't tinitigan siya. Aaminin kong kinilig ako sa sinabi niyang 'yon. Hindi na ako nag salita pa't ngumiti na lang.

*****

Nagising ako ng tawagin ni Mark ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya. "Nandito na tayo." Sabi niya at lumabas na ng sasakyan, umikot siya para pag buksan ako ng pintuan.

Lumabas na ako at kinuha niya ang kamay ko. "Nasaan tayo?" Tanong ko at inilibot ang paningin. Nasa beach kami. "A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko ulit. Hindi siya sumagot at inaya akong mag lakad. Hinubad ko ang suot kong sapatos at naka-paang lumakad sa buhanginan, ganon din ang ginawa niya.

Magka-hawak kamay kaming naglalakad sa dalampasigan, patungo sa nag-iisang rest house dito. "Kaninong rest house 'to?" Tanong ko nang nasa tapat na kami ng isang three storey house na nandito.

"Sa'kin, bigay ni lolo bago siya pumanaw." Sabi niya habang tinititigan ang bahay na nasa harapan namin. Magkahawak kamay pa rin kami. "Dito tumira sila lolo at lola noong bagong kasal pa lamang sila, dito na rin sila bumuo ng pamilya." Sabi pa niya't lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Tinitigan ko siya.

"Oh, ito pala yung kinukwento ni lolo sa'kin dati." Tukoy ko kay lolo Hernaldo, lolo ni Mark. "Ang sabi pa nga niya'y dito din sa lugar na ito sila nagka-kilala ni lola Helena. " Naka-ngiti kong sabi, habang ina-alala ang mga i-kwinento ni lolo Naldo sa'kin dati. "Hinding-hindi raw niya makakalimutan noong unang beses na nagkita sila, lalo na yung part na sinuntok siya sa mukha ni lola Helen, dahil nainis ito sa kanya." Natatawa kong sabi.

Tumawa si Mark at inaya akong pumasok sa loob. "Parang tayo lang ano?" Tumango ako at tumawa.

Nang makapasok na kami sa loob ay agad kong napansin ang isang litrato na nakasabit sa ding-ding sa sala, wedding picture iyon ni lolo Naldo at lola Helen. Masaya sila sa litrato, kitang kita mo sa mga mata nila ang sobrang kagalakan. Napangiti ako. They really love each other. 

"Upo ka muna, mahal. May kukunin lang ako sa kotse." Sabi niya bago lumabas. Umupo ako sa isa sa mga sofa na naroon at isa-isa kong tinignan ang mga litratong nasa harapan ko. Mga litrato iyon nila tita Gene, tito Carlos, daddy ni Mark, at tito Christopher noong mga bata pa sila.

Inilabas ko ang cellphone ko't nakita kong maraming messages at missed calls doon galing sa mga kaibigan namin. Agad kong binasa ang mga mensahe nila.

Michelle:

"Where the heck are you?! Ba't wala ka dito? Hinahanap ka nila sir Gino!"

Michelle:

"Answer our calls, Grace!"

Michelle:

"Oh my gosh. So, kayong dalawa ni Mark ang wala, huh? Nasaan kayo?!"

Michael:

"Grace, nasa'n ba kayo ni Mark? Kanina pa kami nag-aalala dito, lalo na 'tong kapatid ko, kanina pa sigaw ng sigaw dito."

Michael:

"Nagtanan kayo ni Mark?"

Jane:

"Grace, nasaan ba kayo?"

Oliver:

"Oh so, the lovebirds are gone."

Napailing at natawa na lang ako sa mga nabasa ko, isa-isa ko silang ni-replayan. Habang nire-replayan ko si Oliver ay pumasok na si Mark sa loob, may dala-dala siyang dalawang maleta't isang plastic na nag lalaman ng kung ano-anong pagkain. Tumayo ako't nagtatakang tumingin sa kanya.

"What's that?" Tanong ko nang ilapag niya sa sahig ang dalawang maleta, hindi siya sumagot at dumiretso sa kusina, sinundan ko siya. "Mark, bakit ka may dalang maleta?" Mahinahon kong tanong, kahit na may na-iisip na akong dahilan kung bakit. Inilapag niya sa dining table na naroon ang dalang plastic at humarap sa'kin, seryoso ang mukha niya.

"We'll stay here until Sunday night." Sabi niya't lumapit sa'kin.

"What? Why?" Tanong ko pa. Nang hindi siya sumagot ay lumabas ako ng kusina, ngunit agad niyang hinawakan ang braso ko't iniharap ako sa kanya.

"Dahil gusto kitang makasama. Don't worry, alam ito nila tita't tito." Tukoy niya kela mommy at daddy. "At ibabalik din kita agad sa bahay niyo." Naka-ngiti niyang sabi at niyakap ako. "Gusto lang talaga kitang makasama. Sorry kung hindi ko ito sinabi sa'yo." Gumanti na rin ako ng yakap.

"Okay lang, but next time, 'wag mo na akong gulatin ng ganito ha?" Sabi ko't hinigpitan ang pag-kakayakap sa kanya. He nodded.

*****

Hi, sa nag babasa nito ngayon! Hahaha. Kamusta?

At sa mga matagal ng nagbabasa nitong Forever, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update, busy eh. Haha.

Forever.Where stories live. Discover now