" What's that? " tanong niya habang nakatingin at kunot noo sa kwintas.

" A necklace, Moron. " nakatingin lang ako sa kanya. Napatingin din si Kim sa akin saka kumunot lalo yung noo niya.

Oh men, i can't believe na nainlove ako sa babaeng to.

" Oh? Sinoli ko na yan sayo ah. Bat mo binabalik sa akin? Oh ... siguro nalaman mo na mas deserving ako sayo? Well, im flattered babe! " sabi niya at hinaplos yung braso ko. Agad ko naman siya hinawakan.

Binuksan ko yung palad niya at nilagay yung kwintas sa mga kamay niya at sinara ang palad niya. " Ayokong makita yang necklace na yan. Dahil nakikita ko ang mga bad memories na ginawa mo. Gusto kong makaalis doon, kaya sayong sayo na yan! Cheap price lang naman bili ko dyan. Gaya mo cheap. Now! I have Haycee na so don't bother us anymore. " sabi ko at tumalikod na sa kanya.

Pagharap ko sa likod ko ... Hindi ako pede magkamali! Siya yun! Nasa likod ng puno! Nag tatago! Sya yun! Si ...

" Haycee? "

Haycee's POV

" Ano ba? Bakit mo ba ako kinukulit? " tanong ko sa kapitbahay namin. Nakaupo ako kasi ako dito sa labas ng bahay namin.

Masyadong mainit sa loob ng bahay e. Nakakainis lang. Hoho, kaya ito ako! Nakatambay sa labas.

" Ang sungit mo no? Meron ka no? no? No? " sabi niya habang tinutusok yung tagiliran ko. Nakakainis tong mokong na to.

" Ano ba? Chupi! Doon ka na nga. Nag iisip ako dito kaya wag kang magulo. " sabay irap ko sa kanya. Nakakairita kasi. Masakit pa naman ulo ko.

Madami pa din naman akong iniisip. Isa nadun yung paano ko sasagutin si Yex XD HAHAHA. Napansin ko kasi na maeffort siya sa pan liligaw sa akin.

Hindi nga lang nakwekwento sa inyo ni Ate author kasi nakakalimutan niya. Pero promise sweet siya. Araw araw nalang may pasabog.

Dinaig niya na nga si Nathan e. Hoho. Feeling ko napakahaba na ng buhok ko kay Ailee. Bwahahaha.

" ALAM KONA! " napatayo ako habang naka 'yes' sign sa kamay ko.

" Anong alam mo na? " napatingin ako doon sa lalaking nag salita sa tabi ko. Andito pa pala to? Akala ko pa naman umalis na.

" Andyan ka pa? Diba sabi ko umalis ka na. Ang kulit mo no. " napakamot naman siya sa ulo saka pumasok na nung bahay niya.

Salamat naman at umalis na.

Anyways,

Sabi ko kasi kay Yexel na kapag sinabihan ko siya ng 'ILOVEYOU' o nag reply ako sa knya ng 'ILOVEYOU' ibig sabihin sinasagot ko na siya.

Sinadya ko talaga na hindi itext o replyan si Yex sa mga text niya ngayon. Kasi nga gusto ko syang sagutin at isuprise ngayon.

Yexel Ilano! Magiging akin na <3

At dahil doon. Alam ko na nag gagawin ko. Magiging MASAYA TO <3

Papasok na ako sa loob ng bahay ng magvibrate yung cellphone ko.

From: Yexelong <3

Noo! Musta ka na? Mag reply ka naman <//3

Napangiti ako sa message na yun. Masarap pala sa feeling na may nag aalala sayo. Feeling ko ako na si Rapunzel! Kaso si Jayle yun e. Ako nalang si Tangled <3 HAHAHA.

" Oh? Kasaya mo ha. " bati sa akin ni Jayle habang may dalang mga damit. Sina Ailee at KLyd naman nasa sofa nag titiklop ng damit.

" Aalis lang ako. May bibilin ako sa tabi nung park na malapit sa bahay nina Yex. " sabi ko sabay nag hairflip.

" Nako! Makikipag kita ka lang sa kanya. Anong bblin mo? " tanong sa akin ni Klyd habang nakatingin sa damit na tinitiklop niya.

" Sa bookstore ako pupunta. " napakunot naman yung noo nilang lahat.

" Wala namang pasok ha? Anong gagawin mo? " tanong ni Ailee.

" Basta. Malalaman niyo din. Sige na! Ciao. " sabi ko sa kanila sabay alis na. Kinuha ko lang sa loob yung pouch ko don.

Naglakad ako ng masaya papunta sa park. Sumakay ako sa tricycle. Mas mabilis kasi e. After how many minutes. Nakadating nadin ako sa park.

Papasok na sana ako ng bookstore. Ng makita ko siya na naglalakad papunta sa park. " Yex? " kaya bigla akong naging curious kundi sundan siya.

Halos patakbo na yung lakad. Ang bilis kasi maglakad ni Yex. Nagtago ako sa puno ng Nara. Medyo malayo ako sa kanila?

KANILA?! OO! May kasama siyang babae. Sino ba ito? Bakit sya nakikipag kita kay Yex? May tinatago ba siya? Tinatimer ba ko ni Yex?

" ... Well, im flattered babe! " Yan lang yung narinig ko na sabi nung babae. Nilakas niya kasi e. Kaya narinig ko. Pero the rest ng pinag uusapan nila hindi ko na narinig.

Pinanood ko nalang sila.

Nakita ko na hinawakan ni Yex yung kamay nung babae kung saan nakahawak sa braso niya. Saka may nilagay na ... NECKLACE?

Anong ibig sabihin ng Necklace na binigay niya doon sa babae? Ni sa akin nga wala siyang binibigay na necklace e. Full of love letters and Flowers.

Naiiyak na ako. Humarap na si Yexel sa gawi ko. Nakita niya ata ako. Nag tago na ako sa puno, Sumandal muna ako sa nara at umiyak don.

Ang sakit e. Yung araw na sasagutin ko na sana siya dapat. Anong nangyari? Nang marinig ko yung mga yakap ni Yex na papalapit sa akin tumakbo na agad ako.

Ayokong makita siya! Ayokong pakinggan yung mga stupid Lies nya! Nagsinungaling siya sa akin!

I HATE YOU YEXEL ILANO!

FRIENDSHIPWhere stories live. Discover now