"Let's go. Alam ko naman na gusto mo talaga pumunta dito..."

 

 

"OMG!!! Thank you, sir!! I love you na!!!!", sa tuwa nya ay nasabi nya yun. Huli na para bawiin... Napatitig sa kanya si Lance. Sya naman, pakiramdam nya namula ang buong mukha nya.

 

Hala! Ano ba yung sinabi ko?

 

Pinilit na lang nyang ngumiti at kunwari ay walang nangyari...

 

"Tara na, sir!", sabi nya at nauna na dito maglakad. Hindi na nya kayang sumabay sa boss nya sa paglalakad nito. Nahihiya sya ng bongga. Kung bakit ba naman kasi yun lumabas sa bibig nya?

 

 

 

*****

 

"8 pairs of shoes?"

 

"Check!"

 

"10 polo shirts?"

 

"Check!"

 

 

"Bags?"

 

 

"Check!"

 

 

"Great! It's all set...", sabi ng binata habang ibinabalik na sa mga lalagyan ang pinamili nila...

 

Kakarating lang nila sa hotel galing sa pagmimili. For pasalubong lang naman lahat yun. Si Joey, souveniers at ilang accesories lang ang binili nya sa tiangge kanina... Pero infairness to her, magaganda at mura pa ang nakuha nya.

 

 

"You should take a rest now. Maaga pa ang flight natin bukas. Para makaabot tayo sa 10:00 flight going to HongKong... Dun na lang natin bilhin ang iba pang pasalubong...", napatingin sa kanya ang dalaga.

 

"Hindi pa po ba kumpleto to, sir?", tanong nya? Masyado na kasing marami ang pinamili nito kanina...

 

 

Saan nya ba to balak ibigay? Sa charity?

 

 

"Medyo may kulang pa... And we're not going home yet...", nagtaka lalo si Joey. E saan sila pupunta? "I decided to unwind and relax my mind before going back to the Philippines. So we're going to stay in HongKong for another couple of days...", nanlaki ang mata nya... Excitement filled her

 

 

"Talaga po? OMG!!! Excited na ako!!!", natawa na lang si Lance sa reaction ni Joey. Ang bilis lang magbago ng mood nito. Samantalang kanina, halos hindi sya kausapin. Siguro napahiya rin sa nasabi nya.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now