Get stronger than me, Rielle.


And he called me by my name. Kapag nakikita ko siya o nagtetraining kami, lagi niya akong tinatawag na child, brat or kid. He always sees me as the child he needs to train because I'm going to be the next Shinigami leader and not his daughter. But after calling me by my name, it was so heartwarming.

Napaupo ako sa kama at kinalma ko ang sarili ko. Inisip ko nang paulit-ulit ang dahilan kung bakit ako nandito. I'm going to unite our tribes so that our child can live peacefully in the future, and the only way I can think of is becoming the head of the Shinigami tribe.


'Rielle...'


Nagulat naman ako nung narinig ko ang boses ni Kid sa isip ko. He sounded so tired and it pains me to hear him like this. Naalala ko tuloy ang unang pagkakataon na nakulong siya dahil sa nangyari sa mga pinatay niyang Custos agents.


'Why?' I asked in a pleasant tone.

'That child...is it his?'


Hindi agad ako nakasagot dahil bumigat ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa tiyan ko at naalala ko ang gabing 'yun. This child is a product of an accident but I didn't regret having him or her.


'Yes...I'm sorry.'

'Bakit ka nagsosorry?'


Lalong bumigat ang loob ko. Noong hindi pa binibigay sa akin nina Dad ang mission na 'yun, si Kid ang itinuturing kong future husband. It's not uncommon for Erityians to have a family at their early twenties since we have shorter life span compared to humdrums. After all, we're always facing danger and our lives are always at stake.

Kid is my closest guy friend and comrade, and it's not hard to fall in love with him. Kasama ko na siya simula mga bata pa kami, along with Keith and Dana. I think we have the same thoughts for each other kaya naman hindi ko inaalala ang future ko dati. Pero simula nung mapunta ako sa Tantei High, simula nung makilala ko si Hideo, nagbago na ang lahat.

I fell in love with him.


'Don't say sorry, it's not your fault. Ang mahalaga, ligtas ka ngayon.' Nag-nod na lang ako kahit hindi niya ako nakikita at kahit na naguguilty pa rin ako sa nangyari.

'Thank you, Kid, for staying by my side and for saving me.' Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

'An Elite should always be loyal to his or her Royal. I'll always protect you until my death.'


Hindi na ako nakapagsalita after that. Sinubukan kong humiga sa kama pero nahirapan ako dahil sa kadenang nakakabit sa paa ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakahiga nang tuluyan pero hindi ako dinadalaw ng antok at buhay na buhay pa ang utak ko.

Memories started flooding my mind.

My thoughts were still disorganized but somehow, I can remember my mind's manifestation roaming around that dimension. Dahil wala akong sense of time noong mga panahong 'yun, hindi ko alam kung kailan nangyari ang ilan sa mga nakita ko that time.


'Kid?'

'Hmm?'

'Pinuntahan ka ba nina Keith at Dana dito before para pagplanuhan ang pagkuha sa akin habang...habang buntis siya?' Hindi kaagad nakasagot si Kid pero after a minute ay narinig ko siya.

'Paano mo 'yun nalaman?'

'Long story. But, when did that happen?'

'That was four months ago, when she was 6 months pregnant.'


Nagulat naman ako sa narinig ko. Ibig sabihin, during that time na nakita ko sila, isang buwan na akong natutulog sa chamber na 'yun. Ilang months naman kaya ang lumipas noong nakita ko sina Naomi, Rin at Sarah? But I'm sure na nung nakita ko si Hideo ay same day na niligtas ako nina Kid.

Wait, so that means nanganak na siya.


'What's the name of their child?' tanong ko ulit kay Kid.

'Darwin Kei Soledad.'


That's a nice name. I hope I can see them right now.

Naging alert naman ako nung may naramdaman akong presence sa paligid bukod sa amin ni Kid. Bumangon ako sa kama at umupo ako sa gilid nun habang hinihintay ko kung sinuman ang papunta rito. Akala ko nung una ay Elites lang nina Mom or Dad but I was not prepared to see these two.

Standing in front of my cell was Rin and Sarah.


***


Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now