Chapter 11 *Ano Raw?*

14.9K 513 14
                                    

Chapter 11 *Ano Raw?*

[Eunice's POV]

Papapasok nanaman kami sa room. Himala, wala atang HELL na nakakalat? Sabagay, HELL nga pala sila so dun sila sa habitat nila.

Andito na kami sa tapat ng room. Pagbukas namin ng doorknob may bumugad agad saming banner.

'Hi mga LOSERS!' ------- Yan ang nakalagay sa banner.

"BWISET! Sinong nagsabing loser kami?!" Sigaw ni Juls sa buong classroom.

"Kami! Bakit?" Sagot ni Xian sabay labas sa likod ng banner.

"At bakit naman?" Tanong ni Abby. Yeah, ang stupid ng tanong ni Abby.

"Dahil kami ang nanalo sa battle?" Nang-aasar na sabi ni Xian sabay ngiti ng nakakaloko.

"What the... Kayo ang nanalo sa battle? Diba sabi ni Niko tide este tie daw tayo?" Sagot ni Juls.

"Pero para sa amin kami ang nanalo." Taas noong sabi ni James.

"Feeling ampotek! Wah! Di niyo lang tanggap na talo kayo eh!" Pang-aasar ni Abby.

"Ang sabihin niyo kayo ang hindi tanggap ang pagkatalo." Panggatong naman ni James sa pang-aasar ni Abby.

"At dahil natalo kayo, ito ang premyo niyo." Ani ni Xian sabay tulak samin papuntang parking lot.

Nung nakarating na kami sa parking lot tinanggal na agad ni Xian yung nakataklob sa sasakyan

Laking gulat namin ng nakita naming basag yung salamin ng sasakyan namin. Tapos may kung ano ano ng nakasulat sa sasakyan namin. Tapos yung gulong namin butas na. In short sinira nila yung sasakyan namin.

"Para saan yan?" Tanong ni Yoomi. Ano ba yan! Mga stupid questions!

"Para sa pagkakatalo niyo?" Kibit balikat na sabi James.

"Ah ganon?" Sabi ni Juls sabay labas ng bakal. Yung natutupi ah.

Unang pinuntahan yung sasakyan ni Xian. Binasag niya yung bawat salamin ng sasakyan ni Xian. Tapos naglabas siya ng spray paint.

"Hoy Juls! Anong ginagawa niyo sa sasakyan ko?" Gulat na sabi ni Xian. State in shock siya eh.

"Baka kinakain? Gusto mong tikman?" Pampipilosopo ni Juls.

"Takte! Namilosopo ka pa! Oh kayo! Tutunganga lang kayo? Sirain niyo pa yung sasakyan nila!" Sigaw ni Xian sa mga alipores nila.

Nag basagan naman sila ng sasakyan. Takte naman oh! Yung sasakyan ko naging torta na!

"Oh girls! Hindi niyo ko tutulungan?" Tanong ni Juls sa aming tatlo.

Nagdadalawang isip pa kaming tatlo kung sasali pa kami.

"Dali na!" Sigaw ni Juls sa amin sabay bato ng bakal. Wala naman kaming choice so sinunod nalang namin.

Nung malapit na namin totally sirain yung sasakyan nila may sumigaw.





"F4 AND HELL?! WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" Rinig naming sigaw ng Principal.

"Oh-oh." Tanging nasabi naming walo.

"HELL and f4, go to my office, NOW!"

Hayyy. Nahuli na.







"Anong ginawa niyo sa sasakyanng HELL?" Tanong sa amin ng Principal.

"Sila naman pong nauna eh." Sagot ni Juls.

"Kayo naman HELL, bakit niyo ginawa yun?" Tanong ng Principal sa kanila.

"Kasi po trip namin." Para wala lang na sagot ni Xian. Aba! Hindi man lang nahiya!

"TRIP?!" Hindi makapaniwalang tanong Principal. Ooops. Naging toro nanaman si Ma'am.

"Ang totoo kasi Ma'am, walang nanalo sa laban between us and the HELL. Eh tide este tie kami. Tapos sabi nila sila daw nanalo at ang prize daw namin yung sira naming sasakyan. So gumanti lang kami. Diba girls?" Paliwanag ni Juls. Tumango nalamg kami.

"Ah so ganon ang nangyari? Tapos may battle pa kayo? Bakit ba kasi kayo nagkaaway?" Tanong ulit ng Principal.

"Ewan." Sagot naming walo. Hindi rin kasi namin alam eh.

"Kailangan niyong mapagbati." It's not a request, it's an order. I know it.

"Ha? Eh pano naman po?" Tanong ni Yoomi.

"Diba may sarili naman kayong bahay F4?" Taming ng Principal sa amin, tumango naman kami.

"So every Friday, Saturday and Sunday dun matutulog ang mga HELL." Deklara niya at sumandal na sa swivel chair niya.
















"Eh Ma'am.." Gusto kong tumanggi! Ano ba naman yan!

"Kick-out or magbabati kayo?" With matching taas kilay na tanong ng Principal. Ayaw ko namang ma kick-out ulit. Nakakatamad kayang mag enroll ulet!

"Pero kasi Ma'am..." Xian is about to say something but..

"Take it or leave it?"

"Sige na nga Ma'am." That's it! Lahat kami walang ibang choice kundi and pumayag.

"Tomorrow is Friday so maghanda na kayong mga HELL. Susunduin nalang kayo sa bahay niyo ng school. Nasabi ko na rin sa mga magulang niyo." Paliwanag ng Principal

"SIGE PO!" Nalang ang nasabi namin.

Aalis na dapat kami ng..

"Oo nga pala, may aalagaan pala kayong apat na bata." Ani ng Principal.











"Ma'am.." Sabay sabay naming apat sinabi. Ano na bang nangyayari sa mundong ibabaw?!

"Kick-out?"

"Sige na kasi F4." Pagpilit sa amin ni James.

"Natatakot ba kayo?" Nang-aasar na sabi ni Xian sabay insert ng nakakalokong ngiti.

"HINDI! Ma'am sige na nga po." Napilitang sagot naming apat. Wala na.

"Yun naman pala eh!" Sabay sabay na sabi ng HELL.

Eh kasi naman eh, kung di lang dahil sa LOSER thingy.

Tsk tsk. Makakasama tuloy namin ang mga HELL!



-------------------------------------------

A/N

Edited!

Edited: April 12, 2017


- iSANGaSong

Girls Vs Boys[ Fabulous 4 Vs HELL ]  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon