Chapter 9 *Flashback*

16.3K 524 60
                                    

Chapter 9 *Flashback*

[Yoomi's POV]

Oh god.

For real.

Nandito talaga siya?

As in?

"Uhm. Akin na po yung order. Ito na po yung bayad. Thank you." Magalang na sabi ni Miriniko tsaka umalis na yung delivery boy.

"Oh? Nakatulala ka parin? Halika pasok na tayo." Yaya niy tapos inakbayan ako at sabay kaming pumasok sa loob.

"Hi girls!" Bati niya sa mga kasama ko. Nagulat naman yung tatlo kaya sila lumingon. As in sabay sabay sila

"MIRINIKO?!" Pati rin sila nagulat.

"Oh god. Niko is that you? Lumaki ka na! At lalong naging gwapo!" Masayang sabi ni Eunice tsaka lumapit kay Niko.

"I know gwapo ako. At since birth pa yun." Pilyong sagot ni Niko.

"Pero hindi parin mawawala ang pagiging mahangin mo. Haha!" Natatawang sabi ni Abby. Nagtawanan naman silang lahat. Well, exept me.

"Halika! Join us!" Yaya ni Juls.

"Tamang tama may dala akong pizza para sa atin." Tapos pinakita niya yung tatlong box ng pizza.

"Wow! Our favorite!" Sigaw ni Eunice at pumunta sa kusina habang hawak hawak yung mga box ng pizza.

Umakyat muna ako at pumunta ng kwarto ko.

Bakit pa siya bumalik?

Hindi pa ba sapat na pahirapan rin ako ng tadhana dati at nadagdagan pa ngayon?

Okay. I know curious kayo. Miriniko is my EX boyfriend-slash-first boyfriend-slash-first heartbreak ko. :'(

I can still remember how he break my heart 4 years ago. I'm still nerd that time tsaka hindi ko pa friend sila Eunice noon.

- FLASHBACK -

Papunta na ako sa gym nila Niko. Kakatapos lang kasi ng practice nila sa basketball so pupuntahan ko siya. May dala akong baon at tubig para sakanya.

Hindi ko ba nasabi sa inyo na 5th monthsary namin ngayon kaya masayang masaya ako ngayon.

Ng makita ko naman na naglalabasan na yung mga ka team mates niya nagtanong naman ako.

"Uhmm. Paul, asan si Niko?" Tanong ko sa malapit na kaibigan ni Niko

"Nasa loob pa eh." Sagot niya.

"Ah. Okay. Salamat." Sabi ko nalang.

Dahil sa inip ko, pumasok na ako sa loob ng gym.

At sa di inaasahan.

Nakita ko siya.

May kasamang babae.

Naghaharutan sila.

Hindi na napigilan ng mga luha ko kaya tumulo na ito.

"S-so siya pala ang dahilan kung bakit palagi ka nalang wala kapag kailangan kita?" Hindi ko na napigilan sarili ko.

Napalingon naman si Niko tsaka yung babae niya.

"Yoomi. Let me explain..." Sabi ni Niko

"Babe, who is she?" Tanong nung babaeng kasama niya.

"Uhm. Just a friend of mine." Walang alinlangang sagot ni Niko.

"What the. Just a friend of yours?! GIRLFRIEND MO NGA AKO EH. TAPOS SASABIHIN MONG FRIEND OF YOURS?!" Pag-outburst. Hindi ko na ring napigilan ang pag-iyak ko.

Girls Vs Boys[ Fabulous 4 Vs HELL ]  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon