Chapter 25 *Surprise! Surpries!*

7.2K 285 11
                                    

Chapter 25 *Surprise! Surpries!*

Eunice's POV

"Guys, wala ba kayong nakakalimutan?" Excited na tanong ni Megs.

"Wala eh. Ikaw, meron?" Sunod sunod naming sabi.

"TEKA!" Sigaw ni James. Which is napatigil kami.

"Ano?!" Excited na tanong ni Megs.

Ano ba kasing meron at napaka excited ni Megs?

"Birth--- mmm--- Birth? Ano nga yun? AYUN! BIRTH CERTIFICATE! Hinihingi nga pala ni Ms. Principal yung Birth Certificate ko."

Nanlumo si Megs sa narinig niya.

"B-birth certific-cate?"

Ano ba kasing meron?

"Oo! At since ikaw ang nagtanong, balikan mo sa bahay yung birth certificate ko. Nasa cabinet ko yun." Nakangiting sabi ni James.

Wala nang nagawa si Megs kaya binalikan nalang niya sa bahay yung birth certificate ni James.

Nung makalabas na sa gate si Megs naglakad na kami papunta sa room.

"GUYS! Birthday pala ngayon ni Megs?" Napatingin kaming lahat kay Yoomi na nagi-scroll sa CP niya.

"Teka, paano mo nalaman? Stalker ka niya no?!" Tanong agad ni Abby.

"Stalker?! Eh nasa FB kaya!" Pinatingin pa niya sa amin yung 'It's Miguel Alexander's birthday today! blah blah blah blah....'

"F***! Oo nga pala!" Tarantang sabi ni Nathan.

"Ay! Kaya pala siya nanlumo sa birth certificate ni James!" Sagot ko.

"Oo nga no! Eto oh!" Nagbasa ng mga post sa timeline ni Megs.

"Eto! 'Hi Megs! Happy birthday! Stay gwapo!' Tss. =_= Eto pa! 'Happy birthday! Nasa right age ka na! Tara! Pakasal na tayo?' Pakasal agad?! Ang landutay naman ni Ateng! Di pa nga sila! Tapos eto pa! 'Megs my loves, you're in a right age na! Tara na sa condo! Dala ka foods."

"HUWAW! Ang lufet naman ni Ateng." Sagot ni Juls.

"Teka! Guys! Tayo lang ang nakakalimot sa birthday niya!" Sabi ni Xian.

"AH!" Sigaw ni Nathan tapos parang yung sound ng 'bright idea' sa showtime. Napatingin kami sa kanya.

"Gagawa tayo ng big event dito sa school! Xian, ikaw bahala sa catering! And Juls, medyo tulungan mo si Xian."

"Sure!" Sagot nilang dalawa

"Mmm.. Yoomi, idistract mo si Megz."

"A-ANO?! BAT AKO?! "

"Tarantang taranta ka diyan?" Nakakunot kong sabi.

"Oo nga! Bat tarantang taranta kayo?"

Nanlaki lahat ng mata namin. O______O

"M-megz!" Sunod sunod naming sabi.

"N-naalala niyo na?!" Excited na tanong ni Megz. Pinandilatan ko si Yoomi.

"Ay--------A-AKO! TARA! Samahan mo ako sa SM! May nakalimutan akong bilhin!" Bago pa makasagot si Megz hinila na siya ni Yoomi.

At nung alam na naming nakaalis na sila

"Ayun! Tapos Abby and Eunice, decorations!"

"Tamang tama! Hihingi ako sa mga Fanboys ko! Ang alam ko kase arts sila ngayon sa MAPEH eh." Sagot ni Abby

"Mmm.. James, tawagan mo si Ms. Principal! Sabihin mo yung gagawin natin!"

"Oh? Eh ikaw? Anong gagawin mo?" Tanong ni Juls.

Girls Vs Boys[ Fabulous 4 Vs HELL ]  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon