i

5.7K 254 349
                                    

Kyuri's POV

Isang araw, ako'y masayang masaya habang suot suot ang kasing ganda kong white dress. Nakasakay ako sa isang puting kabayo, may name tag siya. Pangalan niya ay Hoseok. Bumaba ako sa kabayo at nagtatakbo papunta sa palasyo.

Pagkabukas ko ng mahiwagang pinto, mayroong naghihintay na magiting at 'kay gwapong lalakeng nakaputi. Nakatalikod siya.

"Y-Yoongi?" Saad ko. Unti unti siyang humarap. Ang gwapo, sobra. Ngumiti siya ngunit ako'y nasilaw.

"Y-Yoongi, yung gums mo, ang liwanag. Mas maliwanag pa sa ilaw ng Meralco." Agad niya namang sinara ang kanyang bibig.

Hehe, may liwanag ang buhay!~

Nagsalita siya ngunit nagulat ako na boses babae siya at sumisigaw.

"HOY!" Sigaw niya.

"Bakit, Yoongi?" Kinilig ang pwet ni ateng. Ako yun.

"JEON KYURI!" Sigaw ulit ni Yoongi.

"Bakit ka sumisigaw?"

"JEON KYURI, LUMABAS KA SA KLASE KO!"

"AY KOKEY PALAKA UNGGOY!"

Teka..ano? Anong..nakatulog ba ako?

"Aray ko naman, Kyuri. Kokey palaka unggoy, natamaan ako." Bulong ni Taehyung. Oh, pake ko sa'yo.

"GET OUT OF MY CLASS!"

"A-ah, Ma'am nagdadasal lang ako! Hehe..Amen! In the name of the Father--"

"GET OUT!"

"Sabi ko nga eh, chill your tits--EHEM I mean..chill your face..and muscles..Ma'am."

Nananaginip lang ako? Badtrip! Ang saya ko na oh! Kasama ko si Yoongi my labs, tch.

Napagdesisyunan kong pumunta na lang sa canteen tutal pagkatapos nung walang kwentang subject na 'yun, e lunch na. Paanong hindi ako makakatulog dun, boring kasi pwe.

Mas lalong nag-init yung ulo kong maganda ng may nakita akong dwendeng tiyanak na kumakain ng burger sa table. Kingina rin netong lalakeng to! Dapat ako yung kumakain ng burger na yun tss! Pucha.

"Hoy." Sabi ko. Tinignan niya lang ako habang ngumunguya. Hindi niya ako pinansin. "Bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Kasi wala ako dun." Sabi niya habang punong puno ng burger yung bibig niya, mabilaukan ka sana.

"Libre mo ko."

"Ano ka, chix?" Sabi niya.

"Oo, aangal ka?"

"Chix daw? Tss..manok ka lang."

"Tatawa na ba ako?"

"Hindi pa."

Pinanood ko lang siyang kumain ng burger. Bigla niya akong tinignan, at ngumisi.

"Ganyan mo ba ako ka-gusto? Pati pag-kain ko sinusuri mo na?"

"Kapal mo."

"Hindi ganyan ang pagpronounce ng gwapo."

"Tangina mo."

"I feel the love." Ngisi niya.

TANGINA TALAGA NITONG LALAKENG 'TO, MAKAKAGANTI AKO! SA NGALAN NG ILONG NG KUYA KO, AMEN.

Ako pala si Kyuri. Jeon Kyuri. Kuya ko si Jungkook, ang tagapagmana ng Neozep Inc. Joke, hindi pala kami may-ari nun. 16 years old ako pero dahil maganda ako, advanced ako ng isang taon. Alam kong walang konek ng kagandahan ko dito, pero sana walang umangal. Kung sino umangal, isasaksak ko baba ni Hoseok sa inyo.

burger | jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon