4: Almost Perfect Day

Start from the beginning
                                    



"An-" Bago pa magsalita si mama inunahan ko na siya. 



"Ano ba yan Hannah! Late ka na naman umuwi! Hindi mo ba nagiisip na iisang anak ka lang ng mama mo! Paano na lang kung may nangyaring masama sayo! Ibebenta ko pa mga laman loob ko para lang mabigyan ka ng maayos na libingin! Ang kulit kulit mo hannah!" Sinamaan ako ng tingin ni mama at umupo. 



"Grabe ka naman mama! Ilang araw din ako nagpuyat para doon 'a. Palakpak ka naman jaan mama oh."



"E kung mukha mo kaya ang palakpakan ko?" Napatikom naman ako ng bibig, Naku! Eto na nga sinasabi ko. Aawayin na talaga ako ni mama. 



"Hayaan mo na yun, May mas importante akong sasabihin sayo." Napasapo naman ako sa noo ko, Eto na nga ba! Palalayasin na ako ni mama. 



"Ma sa susunod na lang po, Maaga pa po kasi ng pasok ko bukas." Weh? Talaga ba self? Maaga? O baka naman susundan mo lang yung crush mo at aabagan siyang lumabas sa bahay nila?



"Oo na sige na, Sa birthday mo na lang tayo maguusap  kahit malayo pa. Kumain ka muna bago umakyat at siyempre wag mo kakalimutan na kumakaway sayo ang mga hugasin mo." Sinunod ko na lang ang utos ni mama at nag wave back sa mga hugasin ko. Nakakaloka!


***


Napabukas ang mata ko dahil sa liwanag ng araw, agad akong napatayo at tinignan ang orasan. Hays! Bakit kasi ang aga aga ng pasok ko. Agad akong kumilos para sa pagpasok ko, may susundoin pa kasi akong pogi mamaya. Joke lang! Akala mo naman talaga kaya ko siyang sundoin baka nga ako pa sundoin non 'e, Sana. 



Pumunta ako sa kusina at paalis na sana ng may mapansin akong iniwan si mama na note, Kinuha ko ito at tinignan. "Ako na magiimpake ng mga gamit mo kung uuwi ka ng matagal ulit."  Napasapo na lang ako sa noo ko. 



"Si mama talaga kahit kailan! Wala naman siyang maiimpake sa mga gamit ko dahil unti lang naman yung mga yun." 



Lumabas na ako ng bahay namin at nagpunta sa bahay ng Neilabs ko, Tagal naman non! Namimiss ko na siya 'e, Chour. Napatingin ako sa kwarto niya at halos manlaki ang mata ko ng makitang umiinom ito ng kape at nasa balcony niya, Naka topless! Jusko, Baka hindi na ako tanggapin sa langit sa nakikita ko. Hindi ko mapigilan na hindi mapakagat sa labi ko, hindi dahil sa itsura niya kundi dahil sa naiinggit ako dahil sa kape, parang gusto ko maging kape, este parang gusto ko mag kape ngayon. 



Pinagmasdan ko lang siya ng ilang minuto at napatingin sa orasan ko, Oo nga pala! Yung mga libro na hiniram ko sa library, kahit na nageenjoy ako sa ulam ko at kanin na lang ang kulang este kahit na nageenjoy ako sa kakatingin sakanya wala akong choice kung hindi ang umalis at pumunta agad sa YunteVella. 

She's The Campus StalkerWhere stories live. Discover now