Fallen

12 1 0
                                    


Nagmamadali akong bumaba sa sinasakyan kong tricycle ng makitang nagkakagulo ang mga tao. Baka mamaya may masama palang nangyari na maaaring ika-kansela ng eskwela, hindi ko man lang nabalitaan.

"Hala! Ano kaya yon? Kawawa naman yung driver ng truck"- rinig kong komento ng isang babae sa kasama niya.

Nakisiksik ako at tinignan kung ano ang nangyayari. May lahi din kasi akong tsismoso.

"Ate ano pong nangyari?"-usisa ko.

"Naku pogi, may bigla kasing lumitaw jan sa kalsada na parang itim na usok. Tapos nabangga yung truck kahit na usok lang naman yon. Pero mukhang iniimbestigahan na iyon ngayon ng mga pulisya"- paliwanag sakin ng babae.

"Ahh, Salamat po"- nakita kong dinala na sa ambulansiya yung driver.

Paalis na sana ko nang mag-alisan na din yung mga tao, pero parang may gumalaw dun sa usok na simasabi nila. Ewan ko ba pero parang gusto ko 'yong lapitan.

Nang papalapit na ko, nanlaki ang mata ko. May nakita akong pakpak! Kinusot ko ang mata ko pero hindi pa din naaalis ang pakpak. Nang mapansin kong gumalaw ito, naanigan ko ang isang babae. Nanlaki ang mga mata ko. Imposible!

Isang... Anghel?!

"OY YUNG LALAKE MASASAGASAAN!"-as if on cue, huminto ang paligid ko. Napatingin ako sa kotseng malapit na sanang bumangga sakin. Nakahinto din ito dalawang dangkal ang layo mula sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang mga taong hindi gumagalaw. Ang iba ay nakaturo at nakatingin sakin. Ang iba naman ay nakatalikod at papaalis na sana. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Parang may pumipintig sa ulo ko. Hindi ko kayang i-absorb ang mga nasaksihan ko kaya naman nang magsalita ang babaeng may pakpak o yung anghel na nakita ko ay nandilim ang paningin ko.

Ngunit tandang-tanda ko pa ang binitawan niyang mga salita...

"Ikaw na nga"

At tuluyan na akong nilamon ng dilim sa bisig ng pinaniniwalaan kong anghel.

My Heart is Yours, Fallen AngelWhere stories live. Discover now