Chapter 28: Airport

8.4K 128 24
                                    

(Napagalaw ni Nash ang daliri niya at hinay hinay niyang nabuksan ang mga mata niya)

"Uh.. Uhhh... Mi..Miss! Miss!!"

(Napalingon ang Nurse at nagulat na nagising na si Nash) "Mr.Aguas! Mabuti ho at nagising na kayo. "

"Ha? Eh. Sino kayo?"

"Ah. Ako nga pala si Anne. Ako po ang nurse niyo."

"Nurse? Na..Nasaan ako?"

"Dito ka ho sa hospital."

"Ho..hospital?! Bakit ano nangyari? Ang sa..sakit ng ulo ko."

"Hindi niyo ho maalala? Na aksidente po kayo habang nagmamaneho ng motorcycle."

"Motorcycle? (Bigla naalala ni Nash ang nangyari at naalala si Sharlene) ahm. Si Sharlene ho?"

"Si Sharlene? Hmmm. Ah! Yung girlfriend niyo."

"Huhh? Girlfriend? Bat niyo nasabi?"

"Ah. Eh kasi lagi siya nandito eh. Inaalagaan ka talaga niya dito. Naging kaibigan ko nga siya kasi madalas na kami nagkikita at naguusap dito. Napakabait at napakaganda ng gf niyo. (Smiles)"

"Ha, ah. Oo naman, (smiles) san po siya?"

"Ah, sa pagkakaalam ko kasi, pumunta siya ng airport. Kasi sinabi niya kahapon na pupunta siya dun."

"(Nabigla) AIRPORT?!?!? Anong ba ang date ngayon?"

"Date? Uhm. June 20 ho."

"Hahh? (Naalala ang alis ni Shar) kelangan ko ng umalis dito."

"Teka teka Sir. Mahina pa ho ang resistensya niyo. Hindi niyo pa kaya. Dito muna kayo."

"Hindi pwede Ms. Kelangan kong pumunta sa.. Aray! Ang sakit ng ulo ko!"

"Sir.. Ayan na tuloy. Wait lang ho. Tatawagin ko muna ang doctor. Humiga muna kayo dito."

~Pagkaalis ng nurse

(Bigla napatayo ng dahan-dahan si Nash, at kinuha ung mga Dextrose na nakakabit sa kanya at dahan dahan lumabas sa kwarto niya na naka hospital gown lamamg.)

(Dahan-dahan lumalakad si Nash palabas ng hospital at tumatago kapag may nurse ala-James Bond :) )

~Paglabas ni Nash ng hospital pumara siya ng taxi

"Oh. Sir, kilala ho kita ah. diba ikaw yung sa Goin Bulilit? bakit po kayo naka ganyan?"

"Ah. oo. Naiwan ko kasi damit ko sa bahay. Pwede ho ba ako magpahatid kaso wala akong pambayad eh."

"Eh pero Sir.. Kasi.."

"Sige na ho. Kahit ano gagawin ko."

"Uhm. Pwede ho ba kami manuod ng Goin bulilit na live at tsaka magpapicture ang anak ko sayo? Idol na idol ka niya kasi eh."

"Game! Sige Manong."

~At nagpahatid si Nash sa bahay ni Sharlene

(Pagdating ni Nash sa bahay ni Shar)

"Ano ba? Umalis na ba sila? Naka sara ata ang gate eh. SHAR!!! SHAR!!! SHAR!!"

~Bigla lumabas ang katulong nila Shar

"Boss Nash! Bakit ho kayo nandito? Ok na ho ba kayo? Gising na pala kayo!"

"Mamaya ko nalang Aling Inday sasagutin ang tanong niyo. Si Shar ho? Nasaan?"

"Ha? Si Mam Sharlene oh? Nasa Airport ho na sila.. Kakaalis lang."

"Airport na? Anong gate?!"

"Gate 4! Pero...."

"Sige ho Aling Inday! Salamat! Alis na ako!!"

"Pero..."

~At bigla sumakay si Nash ulit sa sasakyan at nagpahatid sa airport

(Pagdating sa airport)

"Salamat ho Manong Driver ha!"

"Walang anuman ho."

"Ito ho number ko para tawagan niyo nalang ako tungkol sa mga pinagusapan natin."

"Sige ho. Salamat! Sana maabutan mo ho si Mam Sharlene!"

"Sana ho! Salamat!"

~Pagtakbo ni Nash papunta sa loob ng airport, pinuntahan niya kagad ang Gate 4

(Napansin na walang tao, pinuntahan ni Nash ang guard)

"Uhm. Kuya. Ang flight ho papuntang New York naka alis na ho ba?"

"New York?! Ah, oo. Umalis na. 10 mins lang. "

"Ha. (Napaluha si Nash) ganun ho ba. Ah. Salamat nalang ho. Uhm ho. Pwede ho ba mahiram yung cellphone niyo ho. May tatawagin lang ho ako."

"Sige. Ito oh."

"Salamat ho. At tinawagan niya ang mama niya"

Ring Ring

"Hello Ma?!"

"Anak! San ka ba?!?!! Pinaghahanap ka na dito ng mga guards at security dito sa hospital. San ka ba pumuntang bata ka!"

"Pasensya na ho. Sunduin niyo nalang ako dito sa airport, gate 4."

"Ano ba ang ginagawa mo diyan?!"

"Mamaya nalang ako magpaliwanag. Sunduin niyo nalang ako dito."

"Sige. Dyan ka lang. Wa kang umalis dyan. I love you!"

"Opo Ma! I love you too."

~Tapos binigay ni Nash ang cellphone sa guard

"Salamat ho ah!"

"Walang anuman,"

~Bigla naglalakad si Nash at napaupo sa upuan at bigla umiyak

"Di ko man lang siya inabutan. Hindi man lang niya ako hinintay....."

Just the BestFriend... (NASHLENE) *Completed*Donde viven las historias. Descúbrelo ahora