Chapter 1 : Nash Visits Shar

18.3K 234 37
                                    

Oo, mahal ko siya. Pero hindi ko talaga masabi sa kanya na mahal ko siya. Sino ba kasi ang HINDI magkakagusto sa kanya? Eh, mabait siya, maaalahanin, mapagmahal na anak at kuya, nakakatawa, matalino, at higit sa lahat, ANG GWAPO NIYA! Haaaay. Eh ako? Ano lang ako? Isang simpleng babae na mahilig maglaro ng computer games, mahilig mag tshirt, jeans at rubber shoes. Hindi ako bagay sa kanya. Hindi talaga.

~ Sa basketball court ng bahay ni Sharlene

"Ilang minuto na lang dadating na si Nashie. Natatakot ako na hindi ko maintindihan, ok na ba suot ko?!"

"Anak! Nandito na si Nash!"

*Patay!! Nandyan na siya!*

"Ah! Papuntahin mo siya dito sa basketball court Mama!"

"SHAR!!!!" *tumakbo papunta kay Sharlene at yinakap siya*

*OMG! Yinayakap ako ni Nash*

"Alam mo Shar! Na miss talaga kita ng sobra sobra!"

"Sus! Miss daw! Eh magkasama lang tayo last week sa graduation nila Alexa! Bitiwan mo nga ako, ang corny mo!" *Wag mo akong bitawan Nashie, haaaay*

(binitiwan si Shar) "Eh, siyempre last week pa yun noh! Tagal na kaya yun!"

"Asus! Oh ano, Tara laro na tayo Bro!"

"mamaya na, upo muna tayo!"

*Omg! Uupo?! Maguusap?! Lalo na ako matetense*

(Umupo silang dalawa)

"Eh diba pumunta ka dito para mag basketball?! Nag suot pa ako ng rubber shoes para mag laro tapos uupo lang naman pala tayo!"

"Hehe! Ang cute mo talaga shar! (Kinurot ang pisngi ni Sharlene) Eh mamaya na yan, Tagal na kaya hindi tayo nag usap na dalawa lang tayo!"

*Omg! Tumatawa si Nash, at cute daw ako! Ahhh! Mamatay na yata ako sa kilig!*

"Eh syempre, gusto kong lumaro eh!"

"May gusto kasi akong tanungin sayo!"

*May tanong siya?! Ano tanong niya?! Liligawan niya ba ako?! Ano ba?! Waaaah! *

"Ha?! Ano tanong mo?!"

"Diba, bata pa lang tayo. Close na tayo!"

"Oo.. Tapos?" *OMG! Ito na yata to!*

"At, mapagkatiwalaan kita diba?!"

"Oo naman!" *Shocks! Lalo na ako natatakot*

"Sige, sasabihin ko na!"

"Sabihin mo na Bro!"

"May gusto ako kay.."

"May gusto ka kanino?!" *Sabihin mo na, ako na Yun!"

"Kay Alexa..."

"Huh?! Ah! Ganun ba?!" *Ang sakit!*

"Oo eh, ewan ko ba! Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Lagi kasi siyang nagtetext, lagi kami pinagpapareha! Ewan ko ba"

"Ahhh.."

"Hoy! Shar?! Ok ka lang?!"

"Ha?! Wala. Ok lang ako. Ah, pagod lang ako eh"

"Ah. Yun, Yung secret ko. Wag mong Sabihin kahit kanino ha!"

"Oo naman!"

"Oh sige, gusto ko lang Sabihin sayo bago tayo mag laro! Tara laro na tayo Shar, miss ko na to eh"

(Biglang lumuha si Sharlene)

"Shar? Umiiyak ka ba?"

(pinunas ang Luha) "Ha? Hindi ah! May pumasok yata sa mata ko, mag babanyo muna ako"

"Okay! Ok ka ha? Sige mag banyo ka na, para mag one on one na tayo dito sa Basketball"

~Sa Banyo

(Umiiyak) Ang sakit sakit! Ganito pala ang pakiramdam na mahal mo may mahal ng iba! Di ko yata kaya to! Eh hindi ko naman masisisi si Nash, eh maganda talaga si Alexa eh. Mahaba ang buhok niya, maganda, mabait. Lahat yata ng magagandang katangian sa isang babae eh nasa kanya eh. Sila talaga ang bagay, Sila talaga.... :(((((((

Just the BestFriend... (NASHLENE) *Completed*Where stories live. Discover now