Chapter 12: STAR MAGIC BALL part 2

11K 130 7
                                    

~Sharlene's Room: (Nagbabasa ng libro)

(KNOCK KNOCK)

"Pasok po!"

"Anak?"

"Oh Ma! Bakit po?"

"Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba pupunta sa ball?"

"Ayoko po. Kelangan ko pang tapusin ang projects ko eh."

"Eh diba, Next month pa yan?"

"Opo."

"Eh bat ngayon mo gagawin? Pwede naman next week mo ng gagawin yan. Lagi ka naman last minute gumagawa ng projects eh."

"Ha.. Eh.. Umm.. Mahirap po kasi ito, at tsaka finals na po"

"Pa tingin nga sa ginagawa mo"

"Ha? Wag na po."

"Pa tingin ng libro"

(Inabot ang libro) "ito po"

"Ha? TWILIGHT?! Eh hindi naman ito school project eh!"

"Ha.. Eh.."

"Ano ba talaga ang problema mo at hindi ka pupunta sa ball?"

"Umm.. Basta po. Ayoko po!"

"Sabihin mo na saakin. Tungkol ba ito kay Nash?"

"HA?!?!?!"

"Sus! Wag ka nga mag deny dyan. Masyadong obvious na may gusto ka sa kanya"

"Mommy naman! Nakakahiya!"

"Anak, lahat naman tayo dumadaan sa mga ganyan. "

"Pero..."

"Pero ano?"

"Hindi naman kasi ako ang date niya eh"

"Yun lang? At dahil dun hindi ka na pupunta sa ball?"

"Eh Mommy, hindi ko kaya makita sila ni Alexa na magkasama"

"Ay sus Anak! Masyado ka pang bata para sa mga heartbreak! Wag mong sayangin ang pagkakataon na mag enjoy sa ball kasama ang mga kaibigan mo"

"Ayoko talaga mommy."

"Anak, balang araw, malalaman din ni Nash na may gusto ka sa kanya. Ang masasabi ko sayo, ikaw lang ang mahihirapan kung itatago mo ang nararamdaman mo."

"Ano gagawin ko? Sasabihin ko sa kanya na gusto ko siya? Naku po mommy! Ayoko maging cheap!"

"Ano cheap dun? Anak, kilala ko si Nash, hindi ka nyan huhusgahan."

"Eh pano kung itataboy niya lang ako? Pano kung maiilang siya sa akin?"

"Pano kung hindi?"

(Tumahimik si Shar)

"Anak, love is a risky game. Maari maging masaya ka, maari masasaktan ka. Ang masasabi ko sayo, hindi masama mag mahal, maganda din naman na may inspirasyon. Pero, hanggang dun muna Anak ha! Masyado pa kayong bata. "

"Eh bat sasabihin ko kay Nash na may gusto ko sa kanya?"

"Para mawala ang tinik na nararamdaman mo. Nahahalata ko na nahihirapan ka kung kasama mo siya!"

"Huhu! Sasabihin ko talaga mommy?"

"Oo naman. Wala masama dun, at Anak, bestfriend mo si Nash. Maiintindihan ka niya, at hindi ka niya huhusgahan."

"Haay. Sige na nga!"

(Kinuha ang gown ni Sharlene sa closet)

"Mag ready ka na! "

"Sige po mommy. (Yinakap si mommy) Salamat po ha!"

"Basta ikaw Anak. O bilisan mo na!"

"Sige po (smiles)"

Just the BestFriend... (NASHLENE) *Completed*Kde žijí příběhy. Začni objevovat