Chapter Six- Surprise Pancakes (August 02, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay."

"AAAW!" binitawan niya kasi ako at nahulog ako flat sa kama. Hindi naman talaga masakit. Mabuti na lang malambot ang kama. Nagulat lang talaga ako. Sabi ko lang wag niya akong hawakan dahil wala naman akong sakit. Binitawan nga ako?

"Hoy ikaw anong pinagsasasabi mo sa baba?" sabi ko na lang imbis na makipagdebate sa paghawak at pagbitaw.

"What?" nagkibit balikat siya. Nakakainis talaga pero yung mukha niya. Hindi ba kanina ko pa naiisip, sa mukhang yun, profile pa lang, papatawarin mo na. Nawawala tuloy lahat, parang wala namang big deal.

Naniwala lang naman ang pamilya ko sa mga bagay-bagay dahil sa implied statements niya.

"Bawiin mo yun!!!"

"Alin?"

"Yung sinabi mo, iingatan mo ako.?"

"Bakit?"

"Akala nila... akala nila, tayo." kailan pa siya magpapanggap na hindi niya alam ang naganap? Ang hirap kaya magexplain kapag alam mong alam naman ng tao yung pinaguusapan niyo.

"No."

"Bawiin mo."

"You heard my mom. I'm just being a good son."

Ingatan siya, Silver.

Narinig ko tuloy sa utak ko yung boses ni tita Marianne. Hay.

"Kahit na! Bawiin mo."

"Nope. Pancake."

"Ay naiinis na ako sayo ha! Diyan sa mga sinasabi mo, pati diyan sa walang katapusang pancake. What is exactly the point of you?"

"This is exactly the point of me. To say pancakes. Reason for living."

"ANO?!" this smart arse!

"Kidding."

"Hwa! Alam mo... alam mo ang gulo mo talaga!"

"Hwag ka na kasing malungkot! Kung sino man yung Terrence na yun, malas niya."

Terrence. Anong konek ni Terrence dito? More so... Concerned ba siya? Wala naman siyang alam eh.

"Baka ako ang minalas dahil sa kanya. Tska wala ka namang paki-alam kay Terrence eh."

Badtrip.

"Ang daldal kasi nila kuya tsssssss, mga lalaki talaga..." bulong ko

"You know... 'Di lahat ng lalaki katulad ni Terrence mo, kung sino man siya."

"Di lahat ng lalaki katulad ng..." I even mimicked his voice. "Yan naman ang sinasabi ng lahat... At anong Terrence ko? Hindi ko na Terrence yun!!!!!"

"Hmm.. Okay!"

"Anong okay? Okay naniniwala ka. Oh okay hindi ka naniniwala?"

"Uhm.. Okay, I need to leave...Bye Pancake!"

Yun na lang ang sabi niya tapos lumabas na ng kwarto. Naiwan akong nasa gitna lang ng kama. Nasa height pa ako ng damdamin ko, at naiwan na lang akong mag-isa? Weird niya! Parang hangin lang na dumaan.

Nagreminisce na lang ako ng mga pangyayari. Hinanap ko ang nararamdaman ko sa lahat ng nangyari ngayong araw. Hindi ko talaga alam na sobrang mapangasar pala ng Silver na yun. Kung alam lang talaga nila Mika at Yanny ang mga nangyari, baka hindi sila maniwala. Grabe, hanggang ngayon, asar na asar pa rin ako sa kanya. Sa kaka-pancake niya. Yung joke niya kanina?

This is exactly the point of me. To say pancakes. Reason for living.

"HAHAHA!" natawa na lang ako. Ang ewan ng sense of humor niya. Mga bagay na hindi ko talaga ine-expect.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon