Chapter XXXVIII (Déjà vu)

Start from the beginning
                                    

"A-anong ginagawa mo dito?" 'di makapaniwalang sabi ni Ericka

"Masama na bang dalawin si Lacey?" I cross my arms

"Let's go" sabi pa niya sabay higit kay Cyndhie, pero naharangan ko agad sila

"Why the fuck are you avoiding me?!" magkasalubong ang mga kilay na wika ko

"Ayaw lang naming madamay" sagot na naman ni Ericka bago ako lampasan

"Ang akala ko, kaibigan ko kayo" mahinang bulong ko habang tinatanaw sila

Napahinto si Ericka na parang narinig ako. Nakita kong natulala siya sandali bago muling lumakad pabalik.

"Pasalamat ka, maganda ka" sabi niya sabay irap

***

"Hay salamat! Nakalabas din ako sa pesteng mental hospital ng 'yon!" nakangiting sabi ni Lacey

Nandito na kami ngayong sa mansion nila Cyndhie, sa kwarto niya to be specific.

"Dammit!"

Sabay kaming napalingon ni Lacey kay Ericka na kanina pa mura ng mura simula nang makarating kami dito, nagkaroon pa kasi sila ng cat-fight ni Lacey pagkalabas namin ng hospital.

At tulad ng dati, natalo siya kaya ang dami niyang kalmot.

"Buti nga sayo, sulutera ka kasi" sabi ni Lacey

"Maka-sulutera ka naman diyan, parang sayo si Jungkook" sagot namin ni Ericka

"Eh bakit--"

"Can you please shut the fuck up?! Baka nakakalimutan niyong ako ang gusto ni Jungkook?" inis kong sabat

Nagkatinginan pa ang dalawa bago ako iripan, napangisi ako ng palihim. Eh totoo naman na ako ang gusto ni Kookie.

"Pwede bang kung mag-aaway kayo, 'wag dito?" sabi naman ni Cyndhie habang naglalakad papalapit sa amin

Hinablot ko ang dala niyang strawberry shake at sumimsim ng kaunti bago magsimulang mag-kuwento. Lahat ng nangyari sa akin ay sinabi ko sa kanila, pati na rin 'yong mga nalaman ko.

"So, ano bang plano mo Jack?" tanong ni Cyndhie

"Bakit kayo iwas ng iwas sa akin?" lihis ko

"Eh kasi ayaw naming madamay sa katangahan mo--wait, you're changing the topic naman eh!"

Imbis na umimik ay nagpatuloy na lang ako sa pag-inom ng shake

"Oy Jack! Ano ng plano mo?" tanong ni Ericka

"Teka nga! Ano ba 'yang plano-plano?" naguguluhang tanong ni Lacey pero walang pumansin sa kanya

"Ayoko na"

"What? Jack naman! Nandito na nga kami oh! Tapos ngayon mo pa susukuan ang Bts kung kailan umamin na sa'yo si Kim Taehyung?" ani Ericka

"We're not meant to be. Alam niyo, kung kami talaga ang para sa isa't-isa hindi ko na kailangang gumawa ng plano para magkatuluyan kami, bahala na si destiny 'no, kung totoo man siya"

"P-pero kasi di--"

"No pero-pero Cyndhie, no'ng nakasama ko nga sila, nasaan kayo? Eh parang iniwan niyo lang ako no'n"

"It's Ericka's fault! Nilalason niya ang utak namin!"

"Bakit ako na naman?! Eh ikaw nga--"

"Shut up! I don't have plans. Period!" sigaw ko dahilan para mapatahimik kami

Suicidal MissionWhere stories live. Discover now