PROLOUGE

11.9K 270 12
                                    

Sa skwelahan may batang tampulan ng tukso, hindi nya alam kung bakit dahil mabait naman siya sa mga kaklase nya, palakaibigan at palangiti pa. Ngunit kahit anong gawin nyang kabaitan sa mga ito kasamaan pa din ang balik nito sa kanya.

"Magandang umaga" nakangiti nyang bati sa seat mate nyang lalaki.

Tiningnan lang sya nito, pag tapos hinila nito ang upuan na kanyang uupuan... kaya naman siya ay sa lapag napaupo at lahat ng classmate nya ay nag tawanan, napayuko nalang siya sa hiya.

"Ang lampa mo talaga haha" sabi sa kanya nung batang humili ng upuan

"Hinila mo yung upuan kaya ako natumba" depensa nya sa sarili nya

"Sasagot ka pa? Gusto mo umuwi ng may pasa ha?!" Umiling ang bata at tumayo na.

Hindi niya kaya lumaban dito dahil alam nyang wala syang kakampe.

+++

"Ok kids, pwde na kayo mag break time" sabi ng teacher nila...

Lumabas na ito at sumunod na din ang ibang bata sa kanya.

Nang lalabas na din sana sya bigla itong nadapa dahil sa tali ng nakatali sa dalawang dulo ng paanan ng upuan.

"Lagi nalang ganto"-sa isip nya


Pag pasok nya sa canteen lahat nakatingin sa kanya, sanay na sya kasi lagi naman syang pinag titingnan kahit di nya alam kung anong dahilan.

"Hoy bili mo nga ako dun ng pag kaen" utos sa kanya ng clasamate nyang babae

"Pe-pero sakto lang ang pera ko"

"Ayaw mo ko bilihan?" Tumayo ang batang babae at binuhos sa kanya ang juice na iniinom nito... lahat ng bata sa canteen ay muling nag tawanan. "Ayan ang damot mo kasi eh" at muling umupo ang batang babae

"Nakakainis! Wala naman akong ginagawa ha!" Gusto nya sigawan ang batang babae pero hindi nya ito magawa kaya tumakbo nalang ito papunta sa c.r

Pag pasok nya sa loob ng c.r duon sya umiyak ng umiyak at pinag papalo ang bag na dala nya.

"Mabait naman ako ha! Bakit lagi nila ako inaapi?! Ano bang mali sakin?" Iyak sya ng iyak

"Hoy anong iniiyak mo dyan?!" Agad nyang pinunasan ang luha nya ng marinig nya ang boses ng batang lalaki na sobra nyang kinakatakutan.

"Wa-wala, mauuna na ako" lalabas na sana sya ng banyo pero hinaltak sya pabalik ng bata at tinulak

"Anong mauuna? Ako dapat ang mauunang lumabas dahil ako ang hari dito!"

"O-ok" nakayuko nyang sabi

Lumabas na ang batang lalaki. At pag labas nito may narinig syang click mula sa pintuan kaya agad itong tumayo at pinihit ang doorknob pero hindi nya yun mabuksan.

"Buksan mo 'to! Maawa ka sakin!" Naiiyak kong sabi

"Anong maawa? Mabulok ka dyan haha, bye na" at narinig nito na nag lakad na palayo ang bata

"Mag babayad kayo! Pag babayaran nyo lahat ng ginawa nyo sakin!" Galit na galit nyang sabi

+++

A/N : guys humihingi na agad ako ng paumanhin sa makikita nyong typos. At itong kwento na 'to ay gawa lamang ng aking imahinasyon kaya kung may makikita kayo na may pag kapareha sa iba hindi ko yun sinasadya.

PS: Romantic/Horror ito kaya wag nyo ng asahan na puro katatakutan ang kwento... basta happy reading nalang :)

Higanti Ng Isang ApiTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang