Chapter 18: Kidnapped

7.5K 205 15
                                    

Third Person's POV

"Isla, saan ka?" tawag ni Luzy sa kanyang kambal, nakapiring ang kanyang mga mata at nakatali sa isang upuan ganun din ang kalagayan ni Isla sa kanyang tapat. Nakakulong silang dalawa sa isang madilim at masikip na kwarto.

"L-luzy? Andito ako. Si win-win?" halata sa boses ni Isla na kaka-gising nya lang.

"Hindi ko alam. Mukhang tayong dalawa lang ang andito." Sagot ni Luzy

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Henna, agad nyang kinalagan si Isla at marahas na tinanggalan ng piring.

"What are you going to do with me?" pagpupumiglas ni Isla, agad namang na alerto si Luzy sa boses ni Isla kaya pilit nyang kinakalagan ang sarili pero sadyang napaka-higpit ng pagkakatali sa kanya.

"Isla, anong nangyayari? Bitawan nyo sya?" sigaw ni Luzy

"YOU SCARY BIG PIRATE! LET ME GO YOU FREAKY!" Isla na pinaghahampas si Henna sa kanyang binti.

"Hoy bubwit! Pag hindi ka tumigil tutuluyan ko na talaga kita pati yang mahina mong kapatid" galit na singhal ni Henna kay Isla sabay tutok nang baril sa kanya. Agad namang napatahimik si Isla dahil sa takot habang unti-unti nang inaatake si Luzy ng kanyang asthma.

"San mo ako dadalhin? Bakit ako lang? Anong gagawin nyo sa akin at kay Luzy? Maawa kayo sa kambal ko hwag nyo po syang saktan." Hagulgol ni Isla habang papalit-palit ang tingin sa kakambal at kay Henna, ngunit hindi sya sinagot ni Henna at bigla nalang syang kinarga at ipinatong sa kanyang balikat na parang sako ng bigas at lumbas.

"Isla! Asan ka?" nanghihinang sigaw ni Luzy nang biglang tumahimik ang kanyang paligid.

"anong ginawa nyo kay I-Isla?" nanghihinang utal nya habang hinihingal at konti nalang at mawawalan na nang malay. May isang lalaking pumasok na mga nasa edad bente pataas na may bitbit na inhaler. Umupo sya para para maging lebel ang kanilang mukha, tinanggal nya ang blindfold at mask ni Luzy.

"Sino ka?" pabulong na utal nya, napabuntong hininga ang lalaki at itinapat sa bibig ni Luz yang inhaler na kanyang dala.

"Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan, ako pala si Jiro." Nakangiti nyang sabi,

"Asan si Isla? Bakit nyo kami dinukot? Tulungan mo kaming makatakas dito parang awa mo na." sabi niya pagkatapos nyang gamitin ang inhaler

"Hindi ko alam kung asan ang kapatid mo at pasensya kana at hindi ko magagawa ang hiling mo baka papatayin nila ang nakakabata kong kapatid. Alam mo kagaya mo rin syang may Asthma." Sabi ni Jiro na ibinalik ang mask at blindfold ni Luzy habang tumatayo, then patted her head before leaving.

Sa kabilang banda naman, nasa loob ng isang laboratoryo si Isla na walang malay na nakahiga sa isang puting higaan na nakasout ng hospital gown na may maraming nakakabit sa na apparatus sa kanyang katawan. May isang lalaking naka-sout ng lab gown, gloves at mask ang kumukuha ng blood sample ni Isla, may pumasok ding isang babae na naka lab attire bitbit ang isang test tube na may kulay lilang likido sa loob.

"Master, ready na po ang Nostrum." Sabi nya at ibinigay ang substance sa lalaking tinanawag niyang master, tumango ito at kinuha ang test tube. Gamit ang dropper kumuha sya ng sampol ng likido at ng dugo ni Isla at inilagay ito sa microscope.

(Nostrum-something that is used for treating illness, pain, etc., but that is not an accepted and effective medicine)(A/N: ginamit ko lang tong term na to para maiba naman kaysa sa nakasanayang Elixir na masyado nang common. Kaya kung feeling nyo na nag-iba na ang meaning nito sa mga susunod na mangyayari, ang lahat ng yon ay sadyang bunga lang ng malikot kong imahinasyon. SALAMAT)

Tattoo on her Face [COMPLETED]Where stories live. Discover now