Chapter 3: New Classmates

12.5K 325 5
                                    

Tricia's POV

"Tricia hindi ka ba talaga kakain?" Sabi sakin ni Meitte habang may laman yung bibig nya ... andito pala kami sa Cafeteria kasi nga diba inaya nila ako kanina

"Hindi, kayo nalang busog pa ako" sabi ko naman.. alangan naman tanggalin ko 'tong mask ko eh hindi naman pwede..

"'Di ba parang ang awkward, kami lang yung kumakain tas tinitingnan mo lang kami" jaffy sabay subo ng spaghetti. So na awkward pa sila sa lagay na yan eh halos isubo na nila pati yung plato, kutsara at tinidor isama mo na yung baso at lalagyan ng chuckie. Dami naman kasi nilang inorder akala mo may fiesta.

"Meitte, busog na si aketch, di ko na carry ubusin lahat ng to baka masira ang figure ko. *pout* pahirapan pa naman akong mag diet." Jaffy na binaba ang kutsara at maarteng nag punas ng bibig

"Ako rin di ko na kaya, baka pag napansin ni Axhton mylabs na nag iba ang figure ko di nako ligawan nun." Sabi naman ni Meitte pagkatapos ubusin yung isang 250ml na chuckie. Yung totoo hindi ba sila pinapakain sa bahay nila o sadyang may bakulaw silang alaga sa tiyan nila. Ang konti nalang kaya ng natirang pagkain the fact na silang dalawa lang ang kumain sa pang fiesta nilang order

"Sino ba kasing may sabing damihan nyo ng order?" Tanong ko sa dalawa. Natigilan naman sila sa pag hihimutok at sabay na tumingin sa akin

"Gusto lang naman naming kumain ka" jaffy

"Na-curious lang naman kasi kami kung anu yung itsura mo pag tinanggal mo yang mask mo." Meitte. I sigh. nga naman alangan naman kakain ako kung natatakpan yung bibig ko. Sino ba kasing nag pauso ng curiosity na yan nang makutusan ko.

"Anu ba kasi yan, anung klaseng hangin ba dapat mong langhapin ng makabili ako ng isang tangke para hindi ka na magsuot ng ganyan." Jaffy, sabay bato ng used tissue kung saan.

Napatawa nalang ako sa sinabi nya. Kasi naman yung mukha nya parang gustong lumamon ng tao.

"Pwede bang patingin ng mukha mo kahit saglit lang, h'wag ka lang lalanghap ng hangin pag tinanggal mo yang mask mo, kahit mga 5 seconds lang please?" Sabi ni Meitte na kulang nalang ang lumuhod sa harap ko.

I sigh, yung tipong sige na nga lang. Nabuhayan yung dalawa nung inangat ko yung kamay ko at akmang tatanggalin yung mask ko pero nabigo sila nung inayos ko lang yung glasses ko kasi medyo bumaba ng konti.

"Sorry talaga guys, pero hindi pwede, I hope you'll both understand." Sabi ko sabay tayo at tumingin sa wrist watch ko 1:00 pm na pala

"Tara na mag sa-start na yung next class natin" sabi ko at na una nang lakad habang yung dalawa hindi parin maka move on sa pagka dismaya nila. I'm sorry but this isn't the right time to show my face. Not now.

*****

Kinabukasan pag dating ko sa classroom usual outfit, agad akong sinalubog nina Miette at Jaffy

"TRICIAAAAAAAAA!!!!" Sigaw ni Meitte pagka lapit nya saakin.

"GOOD MORNIIIIIIIING!" Second the motion naman ni Jaffy. Ang ingay nilang dalawa akala mo kung mag usap nasa mag kabilaang bundok.

"Ohayo" sabi ko naman sabay yuko.

"Anong ohayo?" Tanong ni Miette na naka kunot ang noo sa akin

"Oo nga. Ano yun? Hindi mo naman siguro kami minu-mura nyan dahil sa ingay namin diba?" Jaffy

"Hindi noh. Ohayo means Good Morning in Japanese." Sabi ko naman

"Aaaah. Ohayo." Jaffy at Meitte na yung tipong may nag tuturo ng math formulas at na gets nila yung steps kung panu e solve. Ganun yung mga mukha nila

Tattoo on her Face [COMPLETED]Where stories live. Discover now