"Hindi mo naman kasi sinabi sa akin!" tumayo na rin ako at hinarap ko siya. "Paano ko iisiping boyfriend kita kung hindi mo nga ako tinanong? Hindi mo nga ako niligawan, e!" Umiwas siya ng tingin sa akin. "Ang alam ko lang gusto mo ako tapos gusto rin kita, yun lang." Pahina nang pahina ang boses ko nang sabihin ko iyon.

"Angel, kung may ibang lalaking humalik sayo papayagan mo rin? Kung may ibang lalaking hahawak ng mga kamay mo hahayaan mo lang? Ang point ko lang naman, ang lahat ng ginagawa natin ay ginagawa ng may magboyfriend at girlfriend tapos hindi talaga yun sumagi sa isip mo? Papayag ka bang tabihan ka nila sa pagtulog kahit wala kayong relasyon? Kasi Miru, iniisip ko pa lang masakit na."

"Gabe hindi naman sa---"

"Nagseselos din naman ako. Lalo na tuwing kasama mo ang mga kaibigan mo pero sinabi ko ba? Pinalayo ba kita? Syempre naiintindihan kong kaibigan mo sila. Hindi mo nga nahalata na nagseselos ako doon sa Oliver na yun kahit nakita kong lumabas ka galing sa unit niya pero inaway ba kita? Hindi naman, diba? Kasi may tiwala ako sa'yo, tapos ngayon malalaman kong wala ka pa lang tiwala sa akin. Porke't may babaeng sumagot, kahati mo na kaagad?" Natahimik kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Natahimik ako dahil totoo ang inaakusa niya sa akin. Pero hindi niya pwedeng isisi sa akin lahat kasi clueless ako. Wala akong alam sa mga relasyon. If ever, he's my first boyfriend.

"Oo nagkaroon ako ng flings noong naghiwalay kami ni Carol pero simula noong sinita mo ako tumigil ako. Alam mo kung bakit? Kasi doon pa lang, alam ko ng magugustuhan na kita. Kaya nga kinukulit kita kahit na pinagtatabuyan mo ako." Umiling ito at naglakad na siya papunta sa pinti. Pinihit na niya ang seradura at binuksan ang pinto ng bahagya. "Susunduin kita sa Wednesday. Gusto kang makilala ng daddy ko at ng asawa niya. Sana naman kahit nagalit ka sakin, di mo pa rin nakalimutan."

Sinundan ko siya palabas.

"Ma'am, Sir aalis na po ako. Salamat po." Sabi nito at tuluyan na nga siyang lumabas ng bahay.

"Gabe..."

"Aalis muna ako." Paalam nito sa akin. Ngumiti pa nga siya pero hindi naman abot sa mga mata niya.

"Gabe naman..."

Binuksan na niya ang sasakyan niya kaya naman bigla akong napahawak sa damit niya. Nagalit ko siya. Ayaw ko siyang magalit dahil lang naging immature ako.

"Pupunta yung client mamaya sa site. Kailangan nandoon na ako before 1." Mahinahon nitong sabi.

Niyakap ko siya at kaagad ko namang naramdaman ang mga kamay niyang pumulupot din sa bewang ko. Naramdaman ko rin ang paghinga niya nang malalim.

"You'll call me? Iti-text mo pa rin ako?"

"I will." Sabi nito saka hinalikan ang buhok ko. "We will talk again, okay?" Tumango ako at muli ko na namang naramdaman ang labi niya sa noo ko. "Don't be jealous, wala lang yung si Kristine. May pagka pakialamera talaga 'yun. Lahat ng may girlfriend na katrabaho namin nag-aaway dahil sa kanya. Pagsasabihan ko siya, and trust me, okay?" Muli akong tumango saka humiwalay sa kanya. Wala na ang pagkairita sa mukha ni Gabe ngayon kaya naman naglakas loob na akong tumingkayad at halikan siya sa labi niya.

"I won't let anyone kiss me. Ikaw lang. First kiss nga kita, diba? And about sa girlfriend thing." Umiwas ako ng tingin at kinagat ko ang ibabang labi ko. Huminga ako nang malalim "Uhhm s-sige,"

"Sige?" takang tanong nito sa akin saka niya inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Pero kahit mukhang nagtataka siya ay sumilay pa rin ang mga ngiti niya sa labi. Maybe, maybe hindi siya slow sa mga bagay-bagay kagaya ko. "Girlfriend na kita?"

"Oo. Pumapayag na ako. S-sige na, alis na." Itinulak ko siya papasok sa sasakyan niya. Gusto pa sana niya ulit lumabas pero muli ko siyang itinulak paupo saka ko ikinabit ang seatbelt niya. "Mag-ingat ka. B-balik ako bukas doon."

"I love you, Angel. Huwag ka nang magselos, ha?" Casual lang ang pagkakasabi niya pero bigla kong naramdaman ang pagdagundong ng dibdib ko. Fck! Ano bang ginagawa niya sa akin?

"Sige na! Umalis ka na!" Narinig ko ang mahina nitong tawa pagkatapos ay binuhay na nga niya ang makina ng sasakyan niya. "B-bye!" Hindi ko na siya hinintay na umalis. Basta na lang akong tumakbo papasok ng bahay namin. Doon ay naabutan ko sina mommy at daddy na naglalambingan pa. Grabe sila.

"Namumula ka baby." Aish! Pang-asar pa 'tong mommy ko, e! Tapos nakangiti pa!

"Kapag sinaktan ka ng lalaking niyan---"

"Ano ba, bah! Okay lang yan! Doon nasusukat ang pag-iibigan!" Aish! Ewan ko sa kanila! Bakit ba sila ang mga magulang ko?


*****

A/N: Last na! Quota na naman kayo sa update! VOTE AND COMMENT! COMMENT COMMENT COMMENT! :*



Hello, NeighborWhere stories live. Discover now